Monday , November 25 2024
Guillermo Eleazar

Permanenteng evacuation sites kailangan na — Eleazar

IPINAPAKITA ng pananalanta ni Tropical Storm “Agaton” sa ilang bahagi ng bansa na kailangan nang magtayo ng permanente at ligtas na evacuation centers para sa mga nakatira sa disaster-prone areas, ayon kay senatorial candidate Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar.

Ayon kay Eleazar, maraming Filipino ang nangingiming magtungo sa evacuation centers dahil kadalasan ay siksikan, at bago ang pandemya, ang mga classroom ang ginagamit kahit may isinasagawang klase.

“Ito ang minsang dahilan kung bakit mas pinipili ng iba nating kababayan na manatili sa bahay kahit alam nilang delikado iyon. Kung magkakaroon tayo ng matibay at ligtas na permanent evacuation centers, tiwala ako na mas magiging epektibo ang mga preemptive evacuation ng ating mga lokal na pamahalaan,” ani Eleazar.

“Local government units should no longer use school facilities as evacuation sites. Dapat paglaanan ang pagtatayo ng evacuation centers para mabigyan naman ng dignidad ang ating mga kababayan dahil wala namang may gusto na manatili sa evacuation centers kung hindi naman talaga kailangan,” aniya.

Kapag nahalal bilang senador, balak ni Eleazar na isulong ang pagtatayo ng permanenteng evacuation centers dahil ang ganitong programa ay nakabinbin pa sa Mataas na Kapulungan. Dati nang inaprobahan ng House of Representatives, o Mababang Kapulungan, ang panukalang batas para sa permanenteng evacuation centers.

Ayon kay Eleazar, sa permanenteng evacuation centers ay kailangang tiyak na may pagkain at inuming tubig na sasagutin ng pamahalaan o local government units habang may nakikisilong na evacuees.

Mas lalong kailangan ang mga ganoong pasilidad dahil madalas tamaan ng malalakas na bagyo ang Filipinas, aniya.

Mas maraming buhay ang masasagip kung rerepasohin at ia-adjust ang disaster response measures ng pamahalaan at local government units.

Sinalanta ng bagyong Agaton ang ilang lalawigan sa Visayas noong nakaraang linggo at kumitil ng mahigit 100 buhay.

Nagpapatuloy ang search and retrieval operation para sa dose-dosena pang nawawala. (ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …