Friday , November 15 2024
Antonio Trillanes Chel Diokno Leni Robredo

Trillanes, Diokno kinondena ang demolition job laban sa pamilya ni VP Robredo

KAPWA binatikos ng senatorial candidates na sina Antonio Trillanes at Chel Diokno ang demolition job laban kay Vice President Leni Robredo at sa pamilya nito.

Ginawa ng dalawang pambato ng Tropang Angat ang pahayag kasunod ng paglutang ng screenshots ng Google search sa Twitter na nagpapakita ng umano’y video ni Aika Robredo, panganay na anak ng Bise Presidente, sa ilang porn sites.

“Simula na ang paninira sa pamilya ni Leni Robredo. Ibig sabihin, palakas na nang palakas,” tweet ni Trillanes, na nakapagsilbi na sa Senado ng dalawang termino o 12 taon hanggang 2019.

“Patuloy nating labanan ang pambabastos dito sa ating lipunan. Ituloy natin ang laban hanggang magtagumpay tayo,” dagdag ng dating senador, na sinamahan ang post ng hashtag #ProtectLeniAndFamily.

Para naman kay Diokno, isang human rights lawyer, ang banat sa pamilya ni Robredo ay bagong script ng kalaban dahil desperado na sila sa pang-angat ng Bise Presidente sa surveys.

“Ito ang latest script ng kabila, targeting the daughters of VP Leni. Alam nating desperado na sila dahil sa paglakas ni VP, but it takes a special kind of evil to resort to misogynistic attacks against the kids,” ani Diokno.

Nanawagan din si Diokno sa Google na alisin agad ang links sa mga nasabing paninira at huwag nang hayaan pa ang mga kahalintulad na link sa hinaharap.

Naniniwala ang dalawa na dapat ipagtanggol si Robredo at kanyang mga anak sa mga ganitong uri ng paninira, na nangyari kasunod ng pagtaas ng rating ng Bise Presidente sa mga nakalipas na surveys.

Nakakuha si Robredo ng dagdag na siyam puntos sa bagong Pulse Asia survey, na tumabas sa lamang ng kanyang karibal na si Ferdinand Marcos, Jr.

Lamang din si Robredo kay Marcos kahit sa mga lugar sa tinatawag na “Solid North” pagdating sa Google Trends, na sukatan ng interes ng mga botante sa isang partikular na kandidato.

Noong 1 Abril, una pa rin si Robredo kay Marcos, 51.3 kompara sa 34.3, pagdating sa overall Google Trends score kung saan ang mga search tungkol sa Bise Presidente ay kaugnay ng kanyang mga personal na detalye, plataporma at mga programa, na nagpapakita ng malaking interes sa kanyang kandidatura.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …