ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
AMINADO si Junar Labrador na na-miss niya ang teatro noong nakalipas na dalawang taon dahil sa pandemic.
Every year, mula noong 2016 ay lumalabas siya sa Senakulong Martir sa Golgota ni Direk Lou Veloso. Ngunit dahil sa Covid-19 ay wala silang naging pagtatanghal noong 2020 at 2021.
Aniya, “Na-miss ko ang stage acting, iyong mga kasama ko sa entablado… lahat ng ginagawa naming preparasyon para sa yearly staging ng Martir Sa Golgota, na-miss ko ‘yun. Nanghinayang din, dahil nasanay na ako na every year ay ginagawa ko itong Martir Sa Golgota.”
This year ay muling mapapanood ang Martir Sa Golgota na ang gaganap ni Kristo ay si Lance Raymundo. Sa ngayon ay hindi pa sigurado si Junar kung ilang pagtatanghal ang gagawin nila.
Esplika niya, “Ang initial info kasi sa akin is one show lang which is sa Plaza Hugo sa Sta. Ana, Manila sa Holy Wednesday, pero parang wino-work out nila na magka-show uli sa Tarlac at sa Greenfield City.”
Sa panahon ng pandemic, naging limitado ang mga showbiz projects niya tulad nang mga guestings sa teleserye dahil naging mahirap para sa kanya ang schedules sa teleserye bunsod ng nausong lock-in taping dahil may regular work siya bilang Project Manager sa Suntrust.
Pero nakabawi naman siya sa paggawa ng commercials dahil usually ay weekends lang ang shoot niyon at isang araw lang,
“Last 2020 ay nakagawa ako kahit isa, tapos 2021 mayroon akong apat na ads, like brand ng cellphone, alak, ice cream, at skin care product,” lahad pa ni Junar na by profession ay isang architect.
Abangan ang lalabas na documentary ni Junar tungkol sa 500 years of Christianity in the Philippines.
Ang naturang documentary ay mula sa Radio Veritas Asia at magkakaron ito ng premiere night kapag mas naging safe na ang sitwasyon at posibleng mapanood daw ito sa mga Catholic churches.