Friday , November 15 2024
Gun Fire

Sa Misamis Occidental
Mayoral candidate sugatan sa pamamaril

SUGATAN ang isang tumatakbong alkalde ng bayan ng Calamba, sa lalawigan ng Misamis Occidental, matapos barilin ng hindi kilalang suspek nitong Linggo ng umaga, 13 Marso.

Kinilala ang biktimang si George Matunog, Jr., 55 anyos, kandidato sa pagkaalkalde ng bayan ng Calamba, sa nabanggit na lalawigan.

Ayon kay P/Col. Anthony Placido, provincial director ng Misamis Occidental PNP, kalalabas ni Matunog mula sa isang convenience store at naglalakad pauwi sa kaniyang bahay sa Purok 1, Brgy. Southwestern Poblacion, sa naturang bayan, nang hintuan siya ng isang motosiklo saka binaril ng nakaangkas na suspek na nakasuot ng dilaw na jacket.

Tinamaan sa batok ang biktima saka lumabas ang bala ng baril sa kaniyang kanang pisngi.

Ayon kay P/Lt. Richmond Itcay, hepe ng Calamba MPS, maayos na ang kondisyon ng biktima na nasa isang pagamutan sa lungsod ng Ozamiz.

Patuloy na nag-iimbestiga ang pulisya upang matukoy ang kalibre ng ginamit na baril ng gunman at ang kanilang pagkakakilanlan.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …