Sunday , December 22 2024
Pilipinas debates 2022 Comelec Vote Pilipinas

Pilipinas debates 2022 tuloy na

PORMAL nang nilagdaan ng Commission on Elections (Comelec) at Vote Pilipinas ang kasunduan para sa idaraos na PiliPinas Debates 2022 sa Sofitel Hotel, sa lungsod ng Pasay.

Ang PiliPinas Debates 2022 ay isang serye ng debate sa telebisyon na inorganisa ng Commission on Elections (COMELEC), sa tulong ng non-partisan voter education organization na Vote Pilipinas, bilang paghahanda para sa 2022 general elections.

Kabilang sa mga lumagda sa memorandum of agreement (MOA) si Comelec Acting Chairperson Socorro Inting, Comelec Director & Spokesperson James Jimenez, commissioners Marlon Casquejo, at Aimee Ferolino, Celeste Eden Rondario, Founder CEO, Impact Hub Manila kasama si Lawrence Libo-On ng Vote Pilipinas.

Sa 19 Marso 2022, ang unang Presidential Debate na susundan ng Vice-Presidential Debate sa 20 Marso, at sa 3 Abril ang ikalawang Presidential Debate.

Ang tatlong oras na debate ay may single-moderator format, walang live audience, at palabunutan kung kanino mapupunta ang unang tanong at ang mga susunod pa ay ibabatay sa alphabetical order.

Ang isang natatanging bahagi ng PiliPinas Debates 2022 ay ang back-to-back Town Hall Debates, na magkakaroon ng parehong remote at in-person audience, at post-debate roundtable.

Ang Presidential at VP Town Hall Debates ay gaganapin sa 23 at 24 Abril sa pamamagitan ng double-moderator format.

Tiniyak ng Comelec, tanging pangkalahatang paksa at hindi mga espisipikong katanungan ang ibibigay nang mas maaga sa mga kandidato.

“When it comes to the process of finalizing the list of questions, everyone who will be involved in the process will be asked to sign a non-disclosure agreement,” ani Jimenez.

“This is going to be a series of debates, so you’re not expecting all topics to be included in just one debate,” dagdag ng tagapagsalita ng Komisyon.

Sinabi ni Jimenez, tatanggap ang Comelec ng tanong mula sa mga kaugnay na sektor o grupo, ngunit ito ay susuriing mabuti.

Umaasa ang Comelec, makakukuha sila ng ‘written commitments’ mula sa kandidato sa linggong ito.

Sa kasalukuyan, 10 ang kandidatong presidente, habang siyam ang tumatakbo para sa bise presidente.

Ang anak ng dating diktador, na si Ferdinand Marcos, Jr., ay hindi nagpapakita ng palatandaan na sasama sa debate, habang ang kanyang tandem na si Sara Duterte ay sinabing hindi siya lalahok.

Ang karibal ni Duterte na si House Deputy Speaker Lito Atienza, ay hindi rin makalalahok sa debate dahil sa knee injury, maagang pahayag ng Comelec.

Sinabi ni Jimenez nitong Lunes, ang mga kandidatong hindi lalahok sa mga debate ay hindi ipakikita sa streaming time ng e-rally channel ng Comelec sa Facebook.

Ang podiums na nakatalaga sa kanila ay mananatili sa entablado upang ipaalala sa mga manonood na sila ay absent.

Ngunit ayon kay acting Comelec Chairperson Inting, umaasa siyang na lahat ng kandidato ay lalahok sa debate.

“A public debate is the only avenue wherein you may witness all candidates side-by-side with each other,” ani Inting. (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …