Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ping Lacson Tito Sotto

Digitalization plan ng Lacson-Sotto sasaklolo sa mga PWD

LAHAT NG FILIPINO, kahit ano ang katayuan sa buhay o taglay na kondisyon ay makakasama sa pag-unlad, kung sina Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping “Lacson at running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang magiging susunod na lider para maiayos ang sistema ng ating gobyerno.

Ipinangako ng Lacson-Sotto tandem, sa ilalim ng kanilang administrasyon, magkakaroon ng pantay na oportunidad maging ang persons with disabilities (PWD) para makahanap ng trabaho na aakma sa kanilang kakayahan.

Mismong gobyerno pa umano ang tutulong sa kanila na makahanap ng trabaho sa pamamagitan ng pagpapalakas sa National ID system at ng digitalization sa proseso ng mga transaksiyon ng pamahalaan.

“Ang nangyayari kasi may diskriminasyon sa pagtanggap sa trabaho. Nag-a-apply [tapos] ‘pag nakitang PWD ay, ibig sabihin, iba na ‘yung tingin,” sabi ni Lacson sa 200 miyembro ng tricycle operators’ and drivers’ association (TODA) na kanilang nakausap sa Candelaria, Quezon nitong Martes. 

Napag-usapan ang programa ng Lacson-Sotto tandem para sa mga PWD, makaraang ilapit ng isang dumalo sa forum ang problema na nararanasan ng kapwa niya tricycle driver na mayroong pisikal na kapansanan.

Ayon kay Lacson, parte ng kanyang plano sa ilalim ng digitalization platform ang paglikha ng isang skills-matching system para sa lahat ng miyembro ng PWD sector na naghahanap ng trabaho.

Sa ngayon, mayroon na umanong National ID system na magpapatunay sa pagkakakilanlan ng isang indibidwal at hindi nakatuon sa kanyang kapansanan.

“Ano bang skill nitong PWD man o tricycle driver man o pangkaraniwan man o normal man na kompleto ‘yung pangangatawan? Ang titingnan lang ano ‘yung kanyang kakayahan doon sa trabahong ina-apply-an niya,” sabi ni Lacson.

Binanggit din ni Sotto na isinusulong nila ang kapakanan ng PWD sector. Sa katunayan, naging kabilang sa kanilang senatorial candidate ang media practitioner na si Paolo “Powee” Capino na magiging kinatawan sana ng mga PWD sa Senado.

Naghain ng kandidatura si Capino sa ilalim ng Partido Reporma ngunit kalaunan ay nagdesisyon siyang umatras at tumulong na lamang sa kampanya nina Lacson at Sotto. Isinusulong niyang adbokasiya ang pagtulong na mapagaan ang pamumuhay ng mga kagaya niyang mayroong kapansanan.

“Makaaasa po kayo na siya (Capino) ay isa sa mga kasama namin. Kaya tiyak na ‘yang issue ng PWD hindi lamang sa isang probinsiya kundi sa kabuuan ng Filipinas ay siguradong maia-address po namin. Salamat po,” ani Sotto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …