Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SINDIKATO, MAY KINALAMAN SA NAWAWALANG 31 SABUNGERO?

ISA sa mga tinitingnang anggulo ngayon ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa mga nawawalang sabungero ang grupo ng isang ‘sindikato’ ng financiers matapos tumestigo ang isang ginang sa senate inquiry noong nakaraang linggo.

Ayon kay Geralyn Magbanua, asawa ng nawawalang sabungero na si Manny Magbanua, naniniwala siya na may kinalaman ang may-ari ng breeding farm ng mga manok na panabong sa Tanay, Rizal sa pagkawala ng kanyang mister at isa pang kasamahan.

Ani Geralyn kay Senate Committee on Peace and Order and Dangerous Drugs Chairman Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, ilang linggo pa lang nagtatrabaho bilang “handler” ng mga manok ni Julius Javillo, ang mister niya.

Gabi noong 12 Enero 2022 nang ipasundo ni Javillo ang mister na si Manny para bumitaw ng manok ng amo sa sabong kinabukasan sa Sta. Cruz, Laguna.

“Ang ipinagtataka ko lang po walang gustong sumama kahit isa sa mga tauhan sa farm kaya napilitan po siyang sumama pa rin sa Sta. Cruz, Laguna”, kuwento ni Ginang Magbanua kay Sen. Dela Rosa.

Nang tanungin ni Sen. Dela Rosa si Aling Geralyn, “Honest opinion mo, tingin mo ba siya ang sa likuran ng pagkawala ng asawa mo at mga kasamahan niya”?

“Tingin ko po parang siya (Javillo)…kasi siya po ang financier at amo na nag-aano sa mga tauhan,” ang tugon ng maybahay ng nawawalang sabungero.

Batay sa kuwento ni Ginang Magbanua, kasama ng mister niya si Marvin Flores, na tauhan din ni Javillo, na nawawala rin hanggang ngayon. Hindi raw sumama si Javillo sa Sta. Cruz, Laguna nang mawala ang dalawa pero ayon sa mga awtoridad hindi na rin nila matagpuan ang financier ngayon na posibleng nagtatago lang.

Ayon sa isang imbestigador ng PNP CIDG, isa nga sa tinitingnan nilang anggulo sa pagkawala ng 31 sabungero, ang isang malaking sindikato na sangkot sa “pantitiyope sa online sabong na posibleng inonse naman ng mga nawawalang tao.”

Ayaw pang magbigay ng komento ng PNP hinggil sa nasabing anggulo at sa pahayag ni Ginang Magbanua.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …