Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
8th most wanted person ng PNP CALABARZON tiklo sa Victoria, Laguna Boy Palatino photo

8th most wanted person ng PNP CALABARZON tiklo sa Victoria, Laguna

INIULAT ni Laguna PPO Acting Provincial Director P/Col. Rogarth Campo kay CALABARZON PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra ang pagkakadakip sa rank no. 8 most wanted person regional level sa pagpapatupad ng Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Victoria MPS, nitong Linggo ng umaga, 20 Pebrero, sa bayan ng Victoria, lalawigan ng Laguna.

Kinilala ang MWP na si John Wendel Benepayo, 26 anyos, magsasaka, residente sa Brgy. Masapang, Victoria, Laguna, na nadakip dakong 9:51 am kamakalawa sa Sitio Lobo, Brgy. San Roque, sa nabanggit na bayan, sa pangunguna ni P/Cpl. Laudemer Abang, OIC ng Victoria MPS.

Dinampot si Benepayo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mary Jean Tibo Cajandab, Regional Trial Court Branch 26 ng Sta. Cruz, Laguna, may petsang 7 Pebrero 2022, sa kasong panggagahasa na walang inirekomendang piyansa.

Kasalukuyan nang nasa custodial facility ng Victoria MPS ang akusado at aabisohan ang court of origin sa kanyang pagkakaaresto.

Pahayag ni P/Col. Campo., “Mandato natin na protektahan ang taong-bayan, ang mga nakakulong na kriminal ang pangunahing interbensiyon ng Laguna PNP para maalis ang pagkakataon ng masasamang elemento na gumawa ng krimen. Priority ko ang kaligtasan ng Lagunense.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …