Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cara Gonzales Ayanna Misola Vince Rillon Cloe Barreto Stephanie Raz

Vince nagpasasa kina Cara, Ayanna, Cloe, at Stephanie

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TATLONG mahuhusay na direktor ang nagsama-sama sa bagong handog ng Viva Films, ang  erotic triple treat na mapapanood sa  Vivamax, ang three-part series na L,  na pinagbibidahan ni Vince Rillon kasama ang mga bago at hottest sexy stars ng Viva na sina Cara Gonzales, Ayanna MIsola, Cloe Barreto, at Stephanie Raz

Mapapanood ang unang bahagi ng L simula February 27. Ito ay mula sa panulat at prodyus ng award-winning director na si Jon Red.

Magsisimula ang kuwento kay Lucas (Vince Rillon), isang  freelance artist na susubukang labanan ang lungkot pagkatapos iwanan ng kanyang girlfriend na si Lana (Stephanie). Mga misteryosong pangyayari ang magbibigay-daan para makilala ni Lucas ang tatlong babae na magdadala sa kanya sa sukdulan ng pagnanasa.

Tampok sa episode 1 ang Larawan ni direk Topel Lee. Pagkatapos iwanan ni Lana si Lucas, papayuhan ito ng kanyang kaibigan na lumabas ng condo at aliwin ang sarili. Kaya magpupunta siya sa isang art gallery sa Batangas. Doon, makikita niya ang isang magandag babae, at susundan niya ito hanggang makahanap siya ng pagkakataon na kausapin. Magpapakilala ang babae bilang si Louise (Ayanna), at pagkatapos mag-usap at mag-inom, uuwi sila sa kanyang apartment at magtatalik. Doon, may malalaman din si Lucas tungkol kay Louise na kanyang ikagugulat.

Liko naman ang titulo ng ikalawang episode na idinirehe ni EJ Salcedo. Dala pa rin ng lungkot ng pag-iwan sa kanya ni Lana, nagsimula si Lucas na lumabas at mag-drive tuwing gabi pagkatapos magtrabaho. Isang gabi, sa pag-aakalang isa itong prostitute, mapi-pick-up niya ang magandang babae na si Liza (Cloe). Mag-uusap sila at pagkatapos ay magtse-check-in sa isang motel at doon magtatalik. Bago maghiwalay, magtatangka si Lucas na bayaran si Liza para sa kanyang serbisyo. Ngunit tinanggihan iyon ni Liza at sinabing hindi siya prostitute, kundi isa lamang siyang malungkot na misis, kaya nahumaling si Lucas sa kanya. Ilang beses pa ulit silang nagkita at magsimula na ring tanggapin ni Liza ang perang ibinibigay ni Lucas. Ngunit isang gabi, biglang hindi na makita ni Lucas si Liza. At pagkalipas ng isang buwan, makikita niya ulit si Liza, ngunit huli na ang lahat.

Ang huling kuwento ay ang Lipat ni direk Roman Perez, Jr. Upang tuluyan nang makapag-move on sa kanyang buhay, nagdesisyon si Lucas na lumipat ng tirahan. Makakahanap siya ng isang mas maliit at mas simpleng apartment. Habang tinitingnan ni Lucas ang unit, biglang pumasok sa apartment ang maganda at misteryosang babae na si Lucy (Cara) at magsisimulang magtanong kay Lucas ng detalye. Panininndigan ni Lucas ang maling akala ni Lucy na siya ang caretaker, at sinagot ang kanyang mga tanong. Magkikita rin sila ng sumunod na araw upang pag-usapan ang apartment, at magkukuwento rin si Lucy na hindi siya naging tapat sa kanyang asawa. Mauuwi sa mainit na pagtatalik ang kanilang usapan. Kinabukasan, babalik si Lucas sa apartment upang magtanong tungkol kay Lucy, ngunit sinabi ng caretaker na ang Lucy na kilala niya ay ang babaeng dating nakatira sa apartment na iyon. 

Maraming erotic escapades ang pagpipilian sa L simula February 27, streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe, Canada at USA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …