Friday , November 15 2024
Imelda Aguilar Las Piñas Zafari, Toy Carnival vaccination

Las Piñas naghanda ng Zafari, Toy Carnivalinspired theme para sa vaccination


NAGHANDA ang Las Piñas City government ng isang Safari at Toy Carnival-inspired themes sa kanilang vaccination sites para sa pagtuturok ng bakuna kontra CoVid-19 sa mga batang edad 5-11 anyos sa lungsod, kahapon Martes, 8 Pebrero 2022.


Inihayag ni Mayor Imelda Aguilar, ang vaccination site sa SM Center ay naghanda ng Safari-inspired theme habang Toy carnival theme naman ang inilatag sa The Tent upang pagaanin ang kalooban ng mga bata habang naghihintay silang mabakunahan.


Ayon kay Mayor Aguilar, magkakaroon ng film showing para sa mga bata upang malaman nila ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa CoVid-19.


Bukod sa film showing ukol sa kahalagahan ng pagpapabakuna, sinabi ni Aguilar, naghanda rin sila ng cartoons show para hindi mainip ang mga bata. Idinugtong ng alkalde, ang Las Piñas City government ay magkakaloob ng coloring materials at bags of candies sa mga magpapabakunang bata sa SM Center habang mga lobo/balloons at cotton candies ang ipamamahagi naman sa The Tent.


Aniya, target ng lokal na pamahalaan na mabakunahan ang 1,500 hanggang 2,000 na mga bata bawat araw. (EJ DREW)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …