NAGING No. 1 trending topic ng bansa ang hashtag #LeniWalangAatrasan” habang bumilib naman ang netizens sa mga sagot ni Vice President Leni Robredo sa “Bakit Ikaw?” presidential interview ng DZRH radio.
Nag-trend ang “#LeniWalangAatrasan” bilang No. 1 topic sa Filipinas na mayroong mahigit 66,000 tweets umaga ng Huwebes.
Kalmado lang si Robredo habang malinaw na sinasagot ang tanong ng panel ng journalists.
“Leni entered the tiger’s den this afternoon. They forgot she’s a Lioness,” wika ni Twitter user @dclnviv_.
“This is the most straightforward Leni interview so far. She’s killing it left and right,” dagdag naman ni user @jeclemente1.
“She’s very detailed and has Consistent answers to all the questions thrown at her!” tweet naman ni @JFabGeek.
“The DZRH interview is live. VP Leni is getting better and better in forums and interviews after stints with Boy Abunda, Jessica Soho,” sabi ni @DeusXMachina14.
Habang umeere ang panayam, sinabi ng aktor na si Jake Ejercito na nakakombinsi siya ng tatlong tao na bumoto kay Robredo,
“Just converted 3 folks to become kakampinks! It’s not impossible and surprisingly not even that difficult when you’re patient and more importantly, are armed with facts. Laban lang. Leni lang,” wika ni Ejercito.
Sa panayam kay Robredo sa DZBB kamakailan, ibinahagi ng ilang netizens na lumipat kay Robedo ang ilan nilang mga kamag-anak matapos nitong ilatag ang malinaw at matibay na plano para sa bansa.
“So happy to know that I have two converted Santo world friends on the side of Leni today. Salamat Panginoon sa dulot mong kaliwanagan! Tunay ngang mas radikal ang magmahal,” wika ni Twitter user @justimbaste.
“Good talaga ang morning kasi Leni na ngayon ‘yung ibang pamilya kong solid bbm noon after ko pinapanood sa kanila ‘yung presidential interview,” wika naman ni @mesablessie.
“Good news though, saw one fb friend na diehard BBM dati now converted to Kakampink. Defending Leni na rin,” sabi naman ni @itsgigianna sa Twitter.
Sa Facebook, ibinahagi ni Ana Barbara-Rufo Bose ang maliit na panalo matapos lumipat kay Robredo ang ilan niyang kamag-anak sa Abra na dating mga tagasuporta ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
“Small wins! Many of my relatives from Abra turned pink after the presidential debate. Dati silang solid Marcos,” wika ni Bose.
Nag-trending naman ang “#KayLeniPanaloTayo” sa Twitter matapos ang 10,000 tweets habang umeere ang panayam ni Robredo sa DZBB.
Binati rin ng netizens si Robredo sa pagsipot nito sa interview kahit pa nakaranas ng problemang teknikal, hindi gaya ni Marcos na hindi sumipot dahil nagkaroon ng aberya sa komunikasyon.