Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jay Altarejos Marc Cubales

Marc Cubales game magpasilip ng puwet, producer ng pelikulang Finding Daddy Blake

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TULOY na ang pagpoprodyus ng pelikula ng guwaping na actor, model, entrepreneur, at philanthropist na si Marc Cubales. Ang movie ay may tentative title na Finding Daddy Blake at ito’y pamamahalaan ni Direk Jay Altarejos.

Tiyak na pag-uusapan ang pelikulang ito dahil controversial ang tema nito, hinggil sa video na nag-trending at nag-viral online na may makikitang sexual acts. Pinagma-masturbate rito ang mga boylet habang pinapanood niya (Daddy Blake) dahil kanyang babayaran daw. May mga nabiktima raw itong mga model at aktor na matapos pumayag sa ipinagagawa sa kanila ay hindi naman pala totoo na babayaran niya.

Dito’y magko-collab ang MC Productions ni Marc at ang 2076 Kolektib.

Ipinahayag ni Marc na ito talaga ang tipo ng pelikulang gusto niyang iprodyus. “Gusto ko ‘yung not just a normal BL story, gusto ko iyong may twist, may scandalous or whatever.

“Tama na iyong kissing-kissing, iyong love story… nagka-inlove-an, ganyan. Dapat i-level-up natin, BL story pero dapat ay iba ang dating. Iyong tipong magugulat ang mga tao na bakit ganyan, bakit ganoon?”

Wika ni Marc, “Then I met Direk Jay. Pagkaupong-pagkaupo sabi niya, ‘Heto nga may isa pa akong film’. ‘I fell in love with the story. I like it,’ sabi ko.

“When the movie industry is quiet, gumawa na rin tayo ng movie, at least kahit paano, to support it. At the same time ipakita natin na susubok tayo, gagawa tayo ng challenging film.”

Nabanggit din ni Marc na thankful siya dahil ang mga inputs niya sa proyektong ito ay okay kay Direk Jay.

Nang usisain namin kung ready ba siya sa butt exposure kung i-require sa pelikulang ito, saad niya,

“Puwede naman, pero I told Direk na mas gusto ko na ‘yung role ko ay nasa likod na lang ng camera. Siguro maliit na role or maybe best friend ng bida, I will be happy to do so.

“Dapat may character pa rin ako, but I’m not aiming for the main character. And siyempre naman, dapat na ang role ko rito ay markado,” nakangiting wika ni Marc.

Aniya, “Iyong biggest catch sa ano… kung ano ba talaga ‘yung the story behind Daddy Blake. Kung ano ba talaga ‘yung kapasidad ng utak ni Daddy Blake. So, the story nito is what’s behind that video and bakit pumatol ang isang tao, hindi ba?”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …