Tuesday , December 24 2024
electricity meralco

Ex-BM kumasa
GOV. SUAREZ, P4-M UTANG SA ELECTRIC COOP ‘DI BINABAYARAN

TINULIGSA ng isang dating Quezon 4th district board member si Gov. Danilo Suarez sa pag-iwas umanong magbayad ng koryenteng nagkakahalaga ng mahigit P4 milyon na kinonsumo sa isang palaisdaan na sinabing pinatatakbo ng Suarez family.

Ang abogadong si Frumencio “Sonny” Pulgar, legal counsel ng Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. (Q1ECI) na nakabase sa Bgy. Poctol, Pitogo, Quezon ay gumawa na ng demand para kay Gov. Suarez may petsang 6 Enero 2022.

Isinasaad sa nasabing liham na kailangan magbayad ng obligasyon sa loob ng 5 araw, “otherwise we shall initiate the appropriate administrative, civil, and criminal actions against you protective of our said client’s interest,” pahayag sa nasabing liham.

Sinabi ni Pulgar sa kanyang liham, hanggang 12 Enero 2022, ang palaisdaan ni Suarez ay may pagkakautang sa Q1ECI ng halagang P4,530,276.09.

Ibinunyag ni Pulgar, sinasabi ni Suarez, ang power consumption ng Fin Fish Hatchery (FFH) na nasa Bgy. Punta, Unisan, ay sa ilalim ng account ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Noong 4 Enero 2022, sinulatan ni Victor Cada, acting general manager ng Q1ECI, si Allan Castillo, provincial officer-in-charge ng BFAR na nakabase sa Lucena city, kaugnay ng unpaid balances sa konsumo sa koryente ng Suarez’ fish facility.

Sinabi ni Cada, sa koordinasyon ni Gov. Suarez, sinabihan sila na ang nasabing account ay sa ilalim ng BFAR kung kaya’t humiling sila ng kompirmasyon, gayondin ng mga dokumento na nagpapatunay na ang nasabing palaisdaan ay iniendoso nga at nasa ilalim ng nasabing ahensiya.

Sumagot naman si Castillo kay Cada noong 7 Enero kaugnay ng account ng Unisan Multi-Species Hatchery na sumasakop sa buwan ng Marso 2020 hanggang Nobyembre 2021.

Tahasang sinabi ni Castillo na ang nasabing konsumo ng koryente sa panahong nabanggit ay hindi sagutin ng BFAR.

“Based on our agreement, only security guard services is being secured and paid by the Office since 2011. Further, based on our records no endorsement for said assumption of payment for electrical consumption was made by both parties,” pahayag ni Castillo sa kanyang sagot kay Cada.

Nauna rito, noong 7 Disyembre 2021, sinulatan ni Cada ang manager ng FFH at naka-address din kay Suarez na ipaalala sa gobernador ang mga unpaid electrical bills.

Naka-attached kasama ng liham ang mga listahan ng unpaid power bills mula Marso 2020 hanggang Nobyembre 2021 kabilang ang ‘request to pay the amount immediately’ dahil agad na puputulin ang koryente, limang araw matapos na matanggap ang notice.

Labis ang pagkadesmaya ni Pulgar sa hindi nababayarang electric bills ng Suarez facility.

“Quezelco 1 is now cash-strapped because of people like Gov. Suarez who use their government position to evade payment of power consumption while lowly consumers in the 3rd District are paying their electric bills or suffer disconnection,” pahayag ng legal counsel ng nasabing electric cooperative.

Pinatunayan ng isang Salome Sosuria mula sa Business Permit and Licencing Office (BPLO) sa Unisan na walang nakarehistrong business name na Fin Fish Hatchery sa munisipalidad ng Unisan.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …