Saturday , November 16 2024
Bongbong Marcos

Mariing itinanggi BBM: Walang ‘Tallano gold’

MARIING itinanggi ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang sinasabing Tallano gold sa gitna ng kumakalat sa social media na plano niyang ipamahagi ang mga ito sa taongbayan kapag siya’y nanalo sa darating na halalan sa Mayo.

“Sa buong buhay ko, hindi pa ako nakakita ng gold na ganyan. Marami akong kilala na kung saan saan naghuhukay pero ako wala pa akong nakikita na kahit anong klaseng gold na sinasabi nila,” wika ni Marcos sa panayam ng One News PH.

               “Baka may alam sila, sabihan ako, kailangan ko ‘yung gold. Wala pa akong nakikitang gold,” dagdag niya.

Ginawa ni Marcos ang pahayag upang pabulaanan ang kinakalat ng kanyang mga tagasuporta sa social media na nagbayad ang royal Tallano family sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, Sr., ng daan-daang toneladang ginto para sa kanyang serbisyo bilang abogado.

Kahit ang website ng Kilusang Bagong Lipunan, ang partidong itinatag ng pamilya Marcos, ay naglalaman ng kuwento ukol sa Tallano gold.

Bago ito, itinanggi ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na mayroon siyang nalalaman ukol sa Tallano gold, na sinasabing pinagmulan ng yaman ng pamilya Marcos.

“To be candid with you, I have always been candid with all of you. Hindi ko alam,” ani Rodriguez.

Tinawag i Senadora Imee Marcos ang Tallano gold bilang ‘urban legend’ sa isang panayam sa telebisyon.

“I think it’s fun to think of all the gold, and it continues to be urban legend,” wika ni Sen. Marcos.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …