Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Presidential interview
PING SAKALAM
Ibang kalahok plakda

012422 Hataw Frontpage

HATAW News Team

NAKUHA ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson ang atensiyon at paghanga ng mga manonood at maging ng netizens na tumutok sa halos dalawa at kalahating oras ng programang Jessica Soho Presidential Interviews na napanood nitong Sabado ng gabi sa telebisyon at social media platforms.

Mistulang pinakain ng alikabok ni Lacson ang ibang lumahok na presidentiables sa mga tanong ng beteranang mamamahayag tungkol sa mga saloobin at pana­naw sa mga usaping kinakaharap ng bansa, kasama ang pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Partikular na huma­nga ang mga netizen sa pagsagot ni Lacson hinggil sa kung ano ang nakikita niyang problema sa bansa at kung paano ito masosolusyonan gaya ng dati pa niyang inihaha­yag  na ang ugat at solu­syon sa mga problema sa ating bansa ay nasa gobyerno rin.

“Ang isang kamalian nating mga Filipino: tumigil tayong mangarap. We have become dreamless, hopeless and helpless. Ang dapat dito baguhin ‘yung attitude ng ating mga kababayan sa ating gobyerno. Kaya nga dapat ang manguna sa pagbabago ng attitude ng mga Filipino ‘yung gobyerno mismo,” ayon kay Lacson.

Umingay din sa social media ang mga komento ni Lacson sa ‘Isang Salita’ segment ng programa. Pinakapinag-usapan ang pagtawag niya na “Sayang” kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa tinaguriang ‘Dolomite Beach’ sa Maynila na dinugtungan niya pa ng “Sayang pera.”

Ayon sa netizen na si Asoy Salonga (@IamAsoy), “That sayang and naku of Ping Lacson are also some of the people’s answer. Props to him, he is confident despite the fiery questions. In fairness to him. Also props to him for attending the interview despite having Covid the past few days.”

“One of the highlights for me was Ping Lacson’s ‘sayang’ when shown the photo of Duterte. I felt that. Sabay lumabas si Tyra Banks: “I WAS ROOTING FOR YOUUU!” tweet naman ni Martin (@martingeneral).

Kabilang din sa mga tanong na nagpalutang sa mga kakayahan ni Lac­son ang tungkol sa kung sinong presidente ang kanyang hinaha­ngaan na agad at walang kagatol-gatol niyang tinugon ng base sa personal na kara­nasan.

“Ang hinahangaan ko si President PNoy. Unang-una, pinangunahan niya ‘yung “no wang-wang policy” — symbolic. Napa­ka­simple pero napaka-symbolic. Ibig sabihin, walang entitlement. Sa mga naka­r­aang pangulo natin talagang siya ‘yung hinahangaan ko kasi hindi siya corrupt. ‘Yon ang pagkakilala ko sa kanya dahil nakatrabaho ko siya,” tugon ni Lacson sa tanong ni Soho kung sino sa mga naging presidente ang hinahangaan ng Parti­do Reporma standard bearer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …