Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NTC suportado sa pagtutol ng OSG sa “ABS-CBN Favoritism Bill” na isinusulong ni Sen. Leila De Lima

SINUPORTAHAN ng National Telecommunication Commission (NTC) ang pagtutol ng Office of the Solicitor General (OSG) sa panawagan ni Senator Leila de Lima na ipasa ang dalawang panukalang batas pabor sa muling pagbuhay ng prangkisa ng ABS-CBN.

Una nang nanawagan si De Lima, sa Kamara na ipasa ang dalawang panukalang batas na layong maiwasan ang pagkakaroon ng expiration ng mga prangkisa habang nakabinbin ang renewal applications.

Ipinarating din NTC Commissioner Gamalie Cordoba sa House Committee on Legislative Franchises na ina-adopt ng komisyon ang position paper ni Solicitor General Jose Calida na tumututol sa SB 1530 at HB 7923.

Ayon sa OSG, binabalewala ng dalawang panukalang batas ang legislative nature.

“The proposed bills seek to provide a ‘hold over franchise’ to be enjoyed by an entity which has applied for a renewal while congress is still deliberating on the merits of such renewal,” ayon sa OSG.

Sinabi ni Calida kung ipatutupad ang sistema para sa ‘hold over franchise’ lalabagin nito ang batas na nagre-require sa isang broadcasting station na magkaroon ng legislative franchise.

Maaari rin maabuso, ayon sa OSG, ang nasabing polisya dahil bibigyang-daan nito ng ang mga broadcasting entities na i-delay ang nakabinbing denial sa aplikasyon para sa franchise renewal.

“Furthermore, to allow an expired franchise holder to continue its operations thereby extending its use over the free signals granted by the State is akin to promoting ‘exclusivity’ which the Constitution abhors,” dagdag ni Calida.

Ayon sa OSG sa ilalim ng Article XII, Section 10 ng Konstitusyon, hindi ekslusibo ang ipinagkakaloob na prangkisa.

Sinabi ng OSG na ang dalawang panukala ay inihain sa magkaprehong petsa at halos naglalaman ng identical wordings.

Dahil dito, malinaw aniya na layon lamang nitong muling buhayin ang legislative franchises ng ABS-CBN at ng Amcara Broadcasting Network (Amcara).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …