Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vince Rillon Brillante Mendoza

Vince Rillon, walang arte sa paghuhubad

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY sa paghataw ang career ni Vince Rillon. After sumabak sa daring love scenes ni Vince sa pinag­bidahang pelikulang Siklo, mapapanood naman siya ngayon sa Sisid. Bukod kay Vince, tampok dito sina Paolo Gumabao, Christine Bermas at Kylie Verzosa. Ito’y mula sa award-winning director na si Brillante Mendoza.

Ang pelikula ay hindi lang puno ng maiinit na eksena, kundi puno rin ng nagbabagang mga emosyon at drama. Dito’y makikita rin kung gaano ka-professional si Vince, na walang arte sa paghuhubad kung hinihingi ng eksena.

Si Jason (Paolo), isang Marine Biologist, at asawang si Abby (Kylie) ay magpupunta sa Pola, Mindoro, na aatasan si Jason na pamunuan ang rehabilitation at preservation ng isang fish sanctuary. Doon makikilala ni Jason ang kanyang diving assistant na si Dennis (Vince). Habang magkasama sa trabaho, mas makikilala nila ang isa’t isa. Makikilala ni Jason ang pamilya ni Dennis sa kanyang mga kuwento at bilib si Dennis sa pagmamahal ni Jason sa kanyang trabaho.

Malalaman din nila ang kanilang malalaking problemang hinaharap. Nabuntis ni Dennis ang kanyang girlfriend na si Tanya (Christine), habang si Jason at Abby naman ay ilang taon nang sumusubok na magbuntis, ngunit bigo sila dahil sa sakit ni Abby. Sa pagdaan ng mga araw, mahuhulog ang loob nina Jason at Dennis sa isa’t isa, at di magtatagal ay bibigay din sila sa tawag ng kanilang kata­wan. Ngunit magiging magulo ang lahat sa pagkakatuklas ni Abby sa kanilang lihim na relasyon nang mahuli sila sa akto ng pagtatalik.

Magiging malala ang sakit ni Abby at kakailanganing mamili ni Jason kung mananatili siya sa tabi ni Abby o sasama kay Dennis. Sino man ang kanyang piliin, siguradong may isang masasaktan.

Ano ang reaction niya sa sinasabi ng iba na puro sexy ang ipinapalabas sa Vivamax?

Esplika ni Vince, “Sa akin, okay lang naman po kung ganoon ang reaksiyon nila, kasi hindi pa naman nila napapanood, maski kami ay hindi pa rin namin napapanood… so, hindi pa namain alam kung ano ang kalalabasan.

“Hindi naman po porke nagpalabas kami ng ganoon ay puro na lang sexy na, nangingi­babaw pa rin po ‘yung kuwento. I’m sure kapag napanood nila ito ay masakit sa bandang huli iyong twist po nito.”

Panoorin ang mga komplikadong emosyon ng mga relasyon sa Sisid. Tunghayan ang Digital World Premiere nito sa January 18. Sa halagang P499, mauuna mong mamalas ang natatanging kuwento ng Sisid at makipagkamustahan sa casts at sa director nito sa isang espesyal at exclusive one night event.

Kinabukasan, January 19, mapapanood na sa Vivamax Plus, ang bagong pay-per-view service ng Viva. Sa halagang P249, mapapanood na ang bagong obra-maestra ng internationally-acclaimed director na si Mendoza.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …