Saturday , November 16 2024
Gun Fire

Asawa, anak pinaslang, pulis nagkitil

TINAPOS ng isang alagad ng batas ang kanyang sariling buhay matapos barilin ang kanyang misis at 3-anyos anak sa kainitan ng pagtatalo ng mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Virac, lalawigan ng Catanduanes, nitong Sabado ng umaga, 15 Enero.

Itinago ni P/Maj. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng PRO-5 PNP, ang suspek sa alyas na Jay, 25 anyos, aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP), na bumaril sa kanyang asawang itinago sa alyas na Joy, 28 anyos, gamit ang kanyang 9mm service pistol.

Tinamaan din ng bala ng baril ang kanilang 3-anyos anak na karga ng kanyang ina habang sila ay nagtatalo.

Matapos ito, itinututok ng ama ang baril sa kanyang ulo saka pinaputok.

Isinalaysay ni Calubaquib, naganap ang insidente dakong 1:00 am kamakalawa, kauuwi ng pulis mula sa inuman.

Nabatid na buhay pa ang bata nang datnan ng mga nagrespondeng pulis na agad dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Lumabas sa paunang imbestigasyon, selos ang dahilan ng pagtatalo ng mag-asawa.

Dinala ang mga labi ng tatlo na napag-alamang pawang may mga tama ng bala ng baril sa kanilang mga ulo sa Virac Rural Health Unit para isailalim sa awtopsiya.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …