Friday , November 15 2024
prison

Pinakamatagal nakulong na political prisoner, laya na

MATAPOS mapiit sa loob ng 32 taon, nakalaya na si Juanito Itaas, ang itinutu­ring na pinakamatagal na nakulong na political prisoner, nitong Biyernes, 7 Enero.

Ayon sa Kapatid, isang organisasyong sumu­suporta sa mga pamilya at mga kaibigan ng mga bilang­gong politikal, pinalaya na noong Biyernes ang 57-anyos na si Itaas mula sa New Bilibid Prison (NBP), sa lungsod ng Muntinlupa.

Ipinagkaloob ni Judge Gener Gito ng Muntinlupa Regional Trial Court ang kautusang may petsang 8 Nobyembre 2021, pabor sa habeas corpus na na inihain ng anak ni Itaas na si Jarel.

Ayon kay Gito, maka­lalaya si Itaas dahil sa mga GCTA (good conduct time allowance) credits na kanyang nakuha mula sa 32-taong pagka­kakulong.

Pahayag ni Fides Lim, tagapagsalita ng Kapatid, pinapurihan nila ang desisyon ng hukuman at umaasang pangunguna­han nito ang mga pag­papalaya ng iba pang mga bilanggong politikal na nakulong dahil sa mga gawa-gawang kaso bilang paghihiganti sa kanilang aktibismo o maging fall guy para sisihin sa mga operasyon ng NPA.

Dagdag ng grupo, hinihiniling nila sa pama­halaan na hayaag mamu­hay nang mapayapa si Juanito Itaas at walang banta sa kanyang segure­dad kasama ang kanyang pamilya, dahil ito ang unang pagkakataong maka­pagsisimula silang mamuhay nang normal sa labas ng piitan.

Samantala, naghain ang Office of the Solicitor General ng motion for reconsideration para sa pagpapalaya kay Itaas.

Ani Lim, nabuno na ni Itaas ang kaniyang senten­siya at wala nang dahilan upang tumagal ang kan­yang pananatili sa kulu­ngan o gipitin siya sa pamamagitan ng mga inihahaing mosyon ng Solicitor General.

Inaresro si Itaas noong 27 Agosto, 1989, dahil umano sa pamamaslang kay Col. James Rowe ng US Army sa lungsod Quezon.

Pinatawan si Itaas ng 39 taon at anim na buwang pagkakabilanggo noong siya ay 25 anyos.

Sa kabila nito, ikinasal siya sa loob ng piitan, at nagkaroon ng tatlong anak na nabuo sa panahon ng conjugal visits ng kanyang asawa sa NBP, ayon sa Kapatid.

Noong 1992, nagpro­testa ang pamahalaan ng Estados Unidos sa reko­mendasyong palayain si Itaas.

Binuno ni Itaas sa kulu­­ngan ang may kabu­uang 32 taon, isang buwan, at 12 araw.

Ayon sa RTC, dahil sa GCTA, maaari nang ipagakaloob sa kanya ang kreditong 10,698 araw — o 29.31 taon — simula nang siya ay dinakip.

Nang tanungin si Itaas kung ano ang gagawin niya matapos makalaya, sinabi niyang magpapahinga muna siya at gusto niyang makasama ang kaniyang pamilya.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …