Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tug-of-war sa hotel casino
OKADA BIG WINNER

011022 Hataw Frontpage

BIG WINNER si Japanese pachinko king Kazuo Okada sa laban nito sa kanyang mga tormentor sa isang kilalang hotel casino sa Parañaque City.

Ibinasura kamakailan ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng lower court na naunang nag-utos na litisin sa kasong estafa ang former chair­man at chief executive officer ng Okada Manila hotel resort.

Sa desisyon ng CA noong 9 Disyembre, ipinawalang-bisa rin ng mataas na hukuman ang order ng  Parañaque regional trial court na arestohin ang ‘pachinko king’ batay sa reklamo ng Tiger Resort Leisure and Entertainment Inc. (TRLEI), ang Philippine firm na nagmamay-ari at nagpapatakbo ng natu­rang  hotel at gaming company.

Noong Hunyo 2017, pinatalsik ng TRLEI si Okada sa kanyang puwesto gayondin sa board kasama si TRLEI president at chief operating officer Takahiro Usui. Kasunod nito ay kinasuhan ng board si Okada ng umano’y pag­lustay ng $3.1 milyong pondo ng TRLEI at pinananagot ang nego­syan­teng Japon sa nasabing salapi.

Noong Mayo 2019, ibinaba ni Parañaque Regional Trial Court Branch 257 judge Rolando How ang desisyon laban kay Okada na litisin ang Japones sa kasong estafa dahil umano sa ilegal na paggastos ng pondo ng TRLEI.

Dahil dito, inisyu ng lower court ang mga warrant of arrest para sa Japanese businessman. Ipinaaresto rin si former TRLEI president at COO na si Usui.

Pumalag kapwa si Okada at Usui at kinuwestiyon nila ang trial court decision sa CA.

Batay sa December ruling ng CA, sinabi ng appellate court na lubhang inabuso ng lower court ang diskresyon nito sa pagpapalabas ng arrest warrant laban kina Okada at Usui sa kabila ng kawalan ng probable cause.

“There was lack of probable cause to issue warrants of arrest because not all the elements of the crime of estafa was proved,” ayon sa CA desisyon na isinulat ni Associate Justice Alfredo D. Ampuan.

“There was no misappropriation or conversion by Mr. Okada of the money received,” dagdag sa ‘Desisyon’ na sinang-ayunan ng dalawa pang associate justice na sina Pedro Corales at Bonifacio Pascua.

Iginiit ng CA, “the amount paid to Okada was not entrusted to him for safekeeping or administration. Rather, it was paid to him by TRLEI in consideration for services rendered as consultant and CEO.”

Dahil dito, tuluyang ibinasura ng CA ang mga kasong kriminal laban kina Okada at Usui at ipinawalang bisa ang mga arrest warrant para sa dalawa.

(HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …