Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew Muhlach Ayanna Misola

Ayanna aminadong sobrang intense ang mga eksena nila ni Andrew

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Inamin ni Andrew Muhlach na sobra siyang na-pressure sa role niya sa Siklo. Kakaibang Andrew kasi ang mapapanood sa Siklo na first time niyang ginawa sa mga nagawa na niyang pelikula.

Aniya, “kinausap ako ni Direk Roman sa mga ganoong eksena, pero bagong Andrew Muhlach ito para mag-grow pa ako as an actor kasi puro comedy ang ginagawa ko. Ito first time kong gumawa ng major action.”

Sinabi pa ni Andrew na nahirapan talaga siya sa eksenang halikan. “Mahirap para sa akin kasi first time kong makipag-kissing scene. Pero masaya naman at hindi ko makakalimutan ang experience na ito lalo pa’t si Direk Roman ang humawak sa akin.”

Hindi naman first time kay Ayanna Misola na magpaka-daring pero aminado siyang sobra-sobra ang ginawa niya dahil intense ang eksena nila ni Andrew.

First time kong makipaghalikan talaga, kasi sa ‘Pornstar 2’ parang magkapatong lang ‘yung eksenang ginawa ko, kaya malaki ang kaibahang ginawa ko rito,” pag-amin nito.

Super daring din ang naging sagot ni Christine Bermas sa ginawa niya sa pelikula. “But we did it passionately,” anito.

Tiwala kami kay Direk Roman, ginawa rin naman talaga namin ang part namin dito sa scene na ito,” sambit pa ng dalaga.

Sinabi naman ni Vince Rillon na sakto lang ang ginawa niya sa pelikula. “Magagaan kasi ang mga kasama ko rito sa pelikula. Tinanong ko naman ang mga limitations nila kaya nagkaroon kami ng connection para hindi kami mahirapan at maipakita ng maayos at magawa ang mga daring scene namin.”

Si Rob Guinto na bagamat baguhan ay sinabing bago niya tinanggap ang project ay alam na niya na may matitinding eksena siyang gagawin. “Alam ko naman na (daring scenes) andoon si Direk Roman para suportahan kaming lahat.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …