IPINAGTANGGOL ng actress na si Gretchen Barretto at ng Pitmaster Foundation si Charlie “Atong” Ang, hinggil sa kumakalat na paninira at fake news sa social media laban sa negosyante.
Sa isang interview, sinabi ni Gretchen Barretto, hindi nakikialam sa politika si Ang.
Ayon sa actress, “fake news ang ipinapakalat ng mga kalaban sa negosyo ni Ang, ang mga naglabasan kamakailan sa social media hinggil sa isang post na may larawan ni Ang na nagsasabing: “May tsansa ka pang manalo sa online sabong kaysa itaya mo ang kinabukasan mo kay Bongbong Marcos. Pinaglololoko lang kayo ng BBM na ‘yan.”
Sinabi ni Pitmaster Foundation Executive Director Atty. Caroline Cruz, “alam naman natin na malaki ang mawawala sa isang negosyo o negosyante kapag nakialam ito sa politika o may kakampihan ito.”
Sinabi ni Atty. Cruz, kapag negosyante ka, dapat kaibigan mo lahat at sumusunod ka sa batas at kalakaran.
Ang Pitmaster Foundation ay ang charitable arm ng Pitmaster Live na pag-aari ni Ang.
Una rito, mariing itinanggi ni Ang ang lumabas na fake news at sinabing ang isang may-ari din ng online sabong na isang gambling lord ang siyang nasa likod at nagpakalat ng naturang fake news.