Tuesday , December 24 2024

200 bahay sa Zamboanga winasak ng storm surge

NAPINSALA ang tina­tayang 200 bahay sa dalampasigan ng lungsod ng Zamboanga matapos kumawala ang daluyong dulot ng bagyong Odette.

Ayon kay Social Welfare and Development Officer Socorro Rojas, nagpadala na ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga ng tulong para sa 206 pamilyang apektado na naninirahan mula Purok 1 hanggang Purok 5 ng Brgy. Labuan, sa nabanggit na lungsod.

Sa datos ng CSWD, tuluyang nawasak ang may 120 bahay habang 86 ang bahagyang napinsala.

Magkatuwang na nagsagawa ng assessment at nagbigay ng tulong sa mga apektadong pamilya ang mga opisyal ng Brgy. Labuan, mga pulis, at mga tauhan ng CSWD.

Nakaranas ang lungsod ng malalakas na pag-ulan nitong Biyernes, 17 Disyembre, dulot ng bagyong Odette, ngunit ang malalakas na hangin at mga higanteng alon ang puminsala sa mga bahay sa kahabaan ng dalam­pasigan.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …