Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeli Khang

Angeli Khang pinuputakti ng trabaho

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NUMBER one sa Vivamax ang first lead role movie ni Angeli Khang, ang Mahjong Nights kaya naman sobrang thankful ito na agad sinundan ng Viva Communications Inc. ang pelikulang ito, ang Eva na idinirehe ng actor/singer na si Jeffrey Hidalgo.

Bago ang Mahjong Nights, nakasama muna si Angeli sa Taya ni AJ Raval at Sean de Guzman, kaya ganoon namin siya kadalas nakakapanayam via zoom media conference dahil sa sunod-sunod na projects na ibinibigay sa kanya ni Boss Vic del Rosario.

At ngayon sa Eva naman siya matutunghayan kasama sina Sab Aggabao, Marco Gomez, Ivan Padilla, Angelica Cervantes, at Quinn Carillo at mapapanood ito sa December 24 sa Vivamax.

Ani Angeli sobra siyang flatter sa oportunidad na dumarating sa kanya. “Sobrang nakaka-flatter talaga. Thankfully, na-deliver ko lahat.”

Thankful din si Angeli na nakikita ang potential niya ni Boss Vic. “I’m thankful din na nakita nila ‘yung potential ko and sobrang thankful ako na na-appreciate nila ‘yung efforts ko…”

Napuri ni direk Jeffrey si Angeli sa pagiging professional nito. Aniya, “Magaan at madali siyang katrabaho. Angeli takes instruction easily. Kung ano ang ipinagagawa ko, no questions asked, ginagawa lang niya. I just have to explain to her the character well, the scenes as writting by Dennis Marasigan and the visuals I want.”

Kaya ‘di kataka-takang pinuputakti ng trabaho si Angeli.

At kung multiple bedscenes na hubo’t hubad siya sa Mahjong Nights, tiyak na lalong pag-iinitin ni Eva ang malamig na Disyembre ninyo.

Ang pelikulang Eva ay isang erotic-drama movie na isang kasambahay na maraming gustong malaman pagdating sa sex. Dahil dito, mauuwi siya sa isang threesome kasama ang kanyang boss na si Victoria (Sab ) at Lauro  (Marco), isang houseboy ng kapitbahay na makailang beses na ring nakikipagtalik kay Eva. Ang mapusok na gabing ito ang magiging daan para  magtaka si Eva sa tunay niyang nararamdaman para kina Victoria at Lauro, at hahantong sa puntong kakailanganin niyang mamili sa dalawa.

Kasama ni Angeli sa obra ni Jeffrey ang ilan sa mga hottest star ng Vivamax. Ang hunk actor na nakilala sa mga role niya sa Maria at Encounter, si Ivan Padilla. Ang isa sa sexy  actress mula sa Pornstar 2 na si Sab, at ang bida sa Silab at House Tour na si Marco.

Bukod sa pagiging mahusay at kilalang actor at singer ni Jeffrey, pinatunayan din niya ang husay sa pagdidirehe sa telebisyon at pelikula, nagkaroon pa ito ng nominasyon para sa best director mula sa FAMAS awards at Star Award for Movies. Muling ipapakita ni Hidalgo ang husay niya sa pagtatahi-tahi ng kuwento sa pagdating ni Eva sa ating mga screen.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …