Saturday , September 7 2024
Pauleen Luna, Danic Sotto, Pauleen Luna-Sotto, Danic Sotto-Pingris

Danica kinuwestiyon sa kung ano ang tawag kay Pauleen

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Wednesday, April 10 ay ipinagdiwang ni Pauleen Luna ang kanyang 33rd birthday. Nagkaroon siya ng intimate celebration. Dumalo rito si Danica at Oyo Boy Sotto, na mga anak ni Vic Sotto kay Dina Bonnevie, kasama ang kani-kanilang asawa at mga anak.

Ibinahagi ni Pauleen sa kanyang Instagram account ang ilan sa mga litratong kuha sa kanyang birthday party.

Sa comment section ay bumati si Danica. Sabi niya, “happy birthday again,” na may kasamang two heart emoji. Hindi inilagay ni Danica ang name ni Pauleen. Kaya naman isang netizen ang nagtanong kay Danica, curious ito, kung ano ang tawag ng panganay ni Bosing kay Pauleen.Sinagot ni Danica ang tanong at ang sabi niya ay Pauleen.

Pero ‘yung ibang mga cousin niya ay tita ang tawag sa TV host-actress.

Mas matanda si Danica kay Pauleen kaya siguro Pauleen lang ang tawag niya rito at hindi tita o mama. Ang mahalaga naman, kahit mas malaki ang agwat ng edad ni Bossing Vic kay Pauleen, tanggap nila ito ni Oyo para sa kanilang ama ‘di ba? At close silang magkapatid kay Pauleen.

About Rommel Placente

Check Also

Globe celebrates customer loyalty with nationwide G Day festivities

Globe celebrates customer loyalty with nationwide G Day festivities

 GLOBE’S biggest customer loyalty event of the year, GDay, is back. This annual flagship campaign will …

Mavy Legaspi Jackie Lou Blanco

Komento ni Jackie Lou sa post ni Mavy minasama ng ilang netizen

MA at PAni Rommel Placente NITONG Lunes, September 2, nag-post ng larawan si Mavy Legaspi sa kanyang Instagram page. …

Piolo Pascual

Piolo ibinahagi sikreto ng gwapo at yummy look

MA at PAni Rommel Placente MARAMING nakakapansin na hindi tumatanda ang hitsura ni Piolo Pascual, kahit …

Kyline Alcantara Kobe Paras

Kobe may pa-birthday surprise kay Kyline sa NYC

I-FLEXni Jun Nardo PROUD na ipinagmalaki ni Kyline Alcantara ang pagsasama nila ni Kobe Paras sa birthday celebration nila …

Iya Villania Drew Arellano Kristine Hermosa Oyo Sotto

Kristine nakabuo ng volley team, Iya may basketball team naman  

I-FLEXni Jun Nardo IPINANGANAK na ni Kristine Hermosa ang ikaanim na baby nila ni Oyo Sotto. Halos kasabay …