Wednesday , December 4 2024
Tirso Cruz III Coco Martin Vic Sotto 
Tirso Cruz III Coco Martin Vic Sotto 

Coco at Vic, espesyal para kay Tirso

NAGPAPASALAMAT ang beteranong aktor na si Tirso Cruz III kina Coco Martin at Vic Sotto na isinama siya sa cast ng pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival. Espesyal kay Tirso ang dalawang bigating aktor dahil ilang beses na niyang nakasama ang mga ito sa iba’t ibang proyekto sa telebisyon man o pelikula.

“I’m very proud to say na I am part of the TAPE family, kay Mr. (Tony) Tuviera. Of course, kay Bossing (Vic) na ilang beses ko na ring nakatrabaho. Si Coco, parang anak ko na nga eh.

“Actually, ang pinakamalaking bagay talaga sa akin na naging bahagi ako ng pelikulang ito is kasi noong nagka-casting sila wala naman sigurong kumontra sa akin noong pinag-usapan nila ako.

“Kasi nakakataba ng puso na when you work with people like si Bossing, si Coco, and when your name comes up, siyempre they have to comment about it kung okay ba ito, pwede ba nating gamitin?

“Ako, I’m very, very proud because naisip nilang isama ako sa pelikulang ito. And let’s face it, aminin natin na this is one of the movies na inaabangan ng mga tao talaga for this coming MMFF.

“So, masaya ako na naging bahagi ako ng pelikulang ito.

“So, thank you kay Bossing, thank you kay Coco. Si Coco binanggit pa sa akin, sabi niyang ganoon, ‘Tay, gusto kitang kasama.’ So, I’m very happy na nagkasama kami hindi lang sa teleserye, ngayon sa pelikula pa,” sabi ni Tirso.

Samantala, ayaw namang sabihin ni Tirso kung mabuti o masama ba ang role niya sa pelikula para may excitement naman.

“Ako ‘yung kasabay ni Bossing na naging pulis. Medyo mas mapalad na naging chief ni Bossing, medyo marami kasing kapalpakan si Bossing dito. Hindi ko muna sasabihin kung ako ba’y masama rito o mabuti, hulaan niyo na lang. Para naman may kaunting excitement ‘pag pinanood niyo kung ano ba ‘yung ginawa ko sa pelikula.

“Pero gaya ng sinabi nina Bossing at Coco, maganda po ito, pinaghandaan talagang mabuti, and Pampasko talaga. Lalabas kayo ng sinehan ng kompleto kasi nakapanood kayo ng sine na kompleto pero may leksiyon din, may mga natutuhan din ako rito.”

Produced by CCM Film Productions, APT Productions, at MZet Productions, ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa Pasko, December 25, bilang bahagi ng Metro Manila Film Festival 2018.

ni GLEN P. SIBONGA

About Glen Sibonga

Check Also

Xia Vigor

Xia Vigor, may love team na sa Tiktok seryeng “He Loves Me, He Loves Me Not”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPANAYAM namin thru FB ang young actress na si Xia …

Blind Item, Mystery Man, male star

Male starlet ibinabahay na ni gov’t official, gagawin ang lahat yumaman lang

ni Ed de Leon “TUMATANDA na rin ako, hindi na ako bagets.Isang araw hindi na …

RS Francisco SAM Verzosa SV

RS at Sam kahanga-hanga ang partnership

I-FLEXni Jun Nardo HATING-KAPATID ang namamagitan sa business partner na sina RS Francisco at Sam Versoza kaya walang bahid …

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae magbo-voluntary surrender, magpipiyansa 

I-FLEXni Jun Nardo SUSUKO si Rufa Mae Quinto sa warrant of arrest na nakaabang sa kanya at …

Seth Fedelin Francine Diaz FranSeth My Future You

Seth uunahing ligawan magulang ni Francine — invest muna, matinding support

RATED Rni Rommel Gonzales “IPAGMAMALAKI ko.” Ito ang tinuran ni Seth Fedelin nang matanong kung aamin ba sila …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *