Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Leni Robredo

‘No vax, no subsidy’ vs 4Ps beneficiaries inalmahan ni Leni

KINUWESTIYON ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang panukalang “no CoVid-19 vaccination, no subsidy” para sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Iminungkahi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kamakalawa ang naturang patakaran dahil marami umano sa apat na milyong benepisaryo ng 4Ps ay hindi pa nag­papabakuna o ayaw magpabakuna kontra CoVid-19.

Nanindigan si Robre­do na ang pagpapa­bakuna ay pagpapasya ng isang indibidwal at hindi dapat ipilit at gamitin sa pananakot.

“Si VP Leni sinabi na niya ito nang ilang beses, sa kanyang pananaw, hindi dapat pilitan ang ginagawa, hindi dapat pananakot,” ayon kay Barry Gutierrez, taga­pagsalita ni Robredo sa panayam sa DZXL.

“Maraming solusyon na hindi kailangang puwersahan, ‘yun ang sinasabi ni VP Leni batay sa kanyang sariling karanasan,” dagdag niya.

Ipinaliwanag ni Gutierrez, batay sa karanasan ng  vaccine express ng Office of the Vice President, ang pagdadalawang-isip ng ilan ay ang posibilidad na mawalan ng kita kapag lumiban sa trabaho kapag nakaranas ng side effect ng bakuna.

Mas mainan aniya na bigyan ng insentibo ang magpapabakuna upang mapunuan ang pag­kawala ng kita kapag hindi nakapag­hanap­buhay dahil sa side effect ng CoVid-19 vaccine.

“So, minsan ang kailangan lang habulin incentive. Bibigyan mo ng katiyakan na kahit ikaw lagnatin, kailangan mo magpahinga ng isa o dalawang araw, hindi mo kailangan alalahanin ang iyong pamilya,” ani Gutierrez.

Kailangan aniyang paigtingin ang information campaign upang maengganyo ang mga tao na magpaba­kuna.

Batay sa pinaka­huling Social Weather Stations, 64 porsiyento ng mga Pinoy ang gustong magpabakuna laban sa CoVid-19 , mas mataas sa 55 porsiyentong naitala noong Hunyo 2021.

Umabot sa P58.17 bilyon ang inutang ng administrasyong Duterte pambili ng CoVid-19 vaccine, P24.2 bilyon mula sa World Bank, P19.4 bilyon sa Asian Development Bank (ADB) at 14.57 bilyon sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

2025 Asian Youth Para Games Dubai Philippine Paralympic Committee PPC

Delegasyon ng Pilipinas, nakatakdang lumipad patungong Dubai para sa 2025 Asian Youth Para Games

NAKATAKDANG bumiyahe patungong Dubai, United Arab Emirates sa Linggo, Disyembre 7, at Lunes, Disyembre 8, …

PSC Pato Gregorio Mark Lapid John Rey Tianco

Top foreign players, nagkumpirma ng paglahok sa PH Women’s Open 2026

NAKATAKDANG  i-host ng bansa ang Philippine Women’s Open mula Enero 26 hanggang 31, 2026 sa …

Gianni Infantino FIFA Futsal

“Just Fantastic”: Infantino, pinuri unang FIFA Women’s Futsal World Cup sa Pilipinas

ANG pinakamahuhusay na manlalaro sa mundo at ang pinaka-masigasig na mga tagahanga ay tunay na …

Dubai Asian Youth Para Games

48 atleta, ilalaban ng PH sa 2025 Asian Youth Para Games

MAGPAPADALA  ang Pilipinas ng isang lean na 48-atleta na delegasyon na ang layunin ay walang …

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …