Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marc Logan, Winnie Cordero, Boyet Sison

Marc, Winnie, at Boyet kasama na sa TV Patrol

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TATLO pang institusyon ng impormasyon ang makakasama sa paghahatid ng TV Patrol.

Kamakailan, ibinida sa programa sina Winnie Cordero, Boyet Sison, at Marc Logan na maghahatid ng kaalaman at kasiyahan sa mga manonood sa kani-kanilang mga segment sa TV Patrol.

Mga payo sa pamamalakad ng tahanan at pangangalaga sa pamilya ang ibabahagi sa Winning Moment ni Winnie, na minahal ng publiko sa mga programa tulad ng Umagang Kay Ganda at Todo Todo Walang Preno.

Mga trivia at nakamamang­hang bagay naman ang ilalahad sa Alam N’yo Ba? ni Boyet, na isa ring kilalang pangalan sa radyo at TV.

Magpapatuloy din ang 25 taong paghahatid ng good vibes ni Marc sa mga Kapamilya sa Mga Kwento ni Marc Logan, na bahagi na ng newscast sa maraming taon.

Bukod kina Winnie, Boyet, at Marc, makakasama pa rin mula Lunes hanggang Biyernes, 6:30 p.m. sa TV Patrol ang anchors na sina Henry Omaga-Diaz, Karen Davila, at Bernadette Sembrano, at si Star Patroller Gretchen Fullido. Patuloy din ang paglilingkod nina Alvin Elchico at Zen Hernandez sa TV Patrol Weekend tuwing Sabado at Linggo, 6:00 p.m..

Mapapanood ang TV Patrol at TV Patrol Weekend sa ANC, TeleRadyo, Kapamilya Channel, iWantTFC, Kapamilya Online Live, news.abs-cbn.com/live, ABS-CBN News YouTube channel, ABS-CBN News App, at mapakikinggan din sa ABS-CBN Radio Service App.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …