Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz, Macky Mathay

Sunshine freelance, pwede magtrabaho saan mang network

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

ANG tagal nang hindi muna binubuksan ni Sunshine Cruz ang kanyang Messenger account sa Facebook.

Umiiwas nga siya kasi sa mga ka-toxican at ka-negahan na nakararating sa kanya sa iba’t ibang pagkakataon.

Kaya naman, minabuti na nga lang niyang maging abala sa paggantsilyo ng mga naisusuot nila ng kanyang mga dalaga habang naghihintay ng mga proyektong lalagpak sa kandungan niya sa pamamagitan ng manager na si ALV (Arnold L. Vegafria).

O kaya naman, post kete post lang ng romansahan nila ng iniibig na si Macky Mathay at nangyayari sa piling ng mga pamilya nila.

Ngayon, magtatrabaho na uli si Sunshine. May gusto siyang sabihin, ”Hello everyone! Magandang gabi po!

“Konting pagkaklaro lang sa ilang mga comments na aking nabasa ngayon. 

“I am grateful to both networks for always giving me the opportunity to work for them. Lagi nila akong tinatanggap with open arms at blessing ang work sa akin. I appreciate the inquiries and work being given to me by both Kapamilya and Kapuso 

“Even with TV5 nagpapasalamat ako because I will be seen soon bilang guest sa “Niña Niño”. 

“Hindi ako nagdalawang isip dahil gusto ko ulit makatrabaho si Ms. Maja Salvador na aking naging anak sa “Wildflower”. 

“Isa akong “freelance artist o freelancer” and as a single mom who fends for my 3 princesses, ang magandang oportunidad that’s being offered to me ay aking tatanggapin. 

“I am 44 years old pero marami pa akong pangarap at gustong ma-achieve sa buhay. Huwag po sana kayo magalit sa mga katulad naming freelance artist na ang gusto lamang ay magtrabaho ng maayos para sa aming mga pamilya.”

Huwag na lang pagpapansinin ni Sunshine ang mga unsolicited advice. Nagawa nga niyang dumedma sa messages in her socmed, siguro ito kaya na rin niyang huwag ng pansinin pa uli!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …