Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ali Sotto, Pat-P Daza, Ano Sa Palagay N’yo

Ali Sotto at Pat-P Daza may say tuwing umaga sa Ano Sa Palagay N’yo?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAY bagong magpapasaya sa ating mga morning simula October 18, Lunes, 8:00 a.m., ang TV-radio experience na hatid ng NET25, ang Ano Sa Palagay N’yo? nina Ali Sotto at Pat-P Daza.

Tatapatan ng Ano Sa Palagay N’yo? ang mga komentaryo sa umaga na nakasanayan nating dinodomina ng mga lalaking broadcasters  ng dalawang strong at pretty nanays na may ‘say’ pagdating sa mga usaping importanteng makarating sa sambayanan. 

Ano Sa Palagay N’yo, Ali Sotto, Pat-P Daza

Dala nina Ali at Pat-P ang detalyado at metikulosong pagbusisi sa mga isyung kinakaharap natin ngayon. 

“Maipararamdam natin na first and foremost, Filipino tayo,” sambit ni  Ali.

“I want to take it to a softer point of view. Maraming isyu na hindi natin pwedeng palampasin. We have to know what’s happening para at least mayroon tayong kaalaman kung paano natin pwedeng labanan ang mga nangyayari,” saad naman ni Pat-P. 

Ali Sotto

Tiyak na very light at naiintindihan ng lahat ng tao ang talakayan nina Ali at Pat-P. 

Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, 8:00-10:00 a.m., sa NET25 TV, Youtube channel at Facebook page; Radyo Agila 1062 Khz at Eagle FM 95.5.  Makibahagi rin sa talakayan.Mapa-politika, presyo ng bilihin, daloy ng trapiko o pagtugon sa pandemya, importanteng marinig ang boses ng sambayanan. Magkomento sa NET25 Official Facebook page, Youtubechannel at Twitter account at mag-subscribe sa NET25 Telegram channel para sa updates. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …