Friday , November 22 2024
fake news

Gibaan sa socmed rumatsada na publiko mag-ingat sa fake news

BULABUGIN
ni Jerry Yap

MGA MAGULANG panahon ngayon para bantayan o turuang maging matalas ang inyong anak sa pagbabasa sa social media.

        Alam naman natin sa panahon ngayon, nag-umpisa na ang bakbakan ng mga politiko gamit ang social media. Kay dapat mag-ingat ang publiko sa mga kumakalat na fake news.

        Nagtataka naman tayo kung bakit paboritong pukulin ngayon ng ‘fake news’ ang Batang Maynila na si Mayor Isko Moreno.

        May nagsasabing hilaw pa si Isko bakit tumakbong presidente agad. Hindi nila alam kung ilang taon nang naglilingkod sa serbisyo publiko si Isko at sa bawat termino ng kanyang panunungkulan ay mayroon siyang naihandog sa mamamayan.

May nagpakalat pang ‘Iskomunista Jomagoso’ para lang bahiran ang makatao, makabayan, at maka-Diyos na diwa ng alkalde ng Maynila.

        Kabi-kabila rin ang upak hinggil sa kanyang katapatan o pakikipagsabwatan umano sa kasalukuyang administrasyon, para lamang pulaan ang kanyang kredibilidad.

        Hindi nila narinig ang sinabi ni Isko sa kanyang talumpati nang ideklara niyang tatakbo siya bilang pangulo ng bansa — desmayado siya sa pagtugon ng administrasyon sa pandemyang dulot ng CoVid-19.

        May nagsasabing, huwag na tayong mag-presidente ng mayor, kasi mga utak-mayor lang talaga sila, gaya nga raw ni dating presidente Joseph Estrada at kasalukuyang presidente Rodrigo Duterte.

        Si Estrada ang unang presidenteng na-impeached dahil sa plunder o pandarambong, habang si Duterte ay iniuugnay ngayon sa mga kontrobersiyal na transaksiyon ng Phramally Pharmaceutical Corp.

         Kamakailan, swapping naman ng mga staff ni Isko at ni Senator Bong Go ang kumalat na fake news na pawang itinanggi ng mga isinasangkot  na kampo.

        Kinukuwestiyon din ang pagkakaugnay niya kay Lito Banayo na kilalang naging malapit at naglingkod sa kung sino-sinong politiko.

        Marami tuloy ang nagtatanong, ganoon ba talaga kalakas si Mayor Isko?

        Aba e buong ‘demolition job’ yata e sa kanya nakatutok.

        Kaya ang masasabi natin, ingat-ingat lang po sa social media ngayon dahil maya’t maya may lumulutang na fake news.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …