Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Alitang mag-asawa sa Kalinga mister patay, misis sugatan

PATAY ang isang 20-anyos mister habang sugatan ang kanyang maybahay nang manghimasok sa kanilang pagtatalo ang kapatid ng babae sa bayan ng Tanudan, lalawigan ng Kalinga, nitong Linggo, 12 Setyembre.

Ayon sa mga imbestigador, binaril at napatay ng suspek na kinilalang si Milandro Maslang, ang kanyang bayaw na si Joey Gobyang, habang nakikipagtalo sa misis na si Carmen, 33 anyos, sa kanilang bahay sa Brgy. Upper Lubo, sa naturang bayan.

Nabatid na umawat si Milandro sa pagtatalo ng mag-asawa ngunit itinulak siya ng bayaw na si Joey, dahilan upang barilin ng suspek nang tatlong beses ang biktima, na agad namatay.

Nananatiling walang malay sa pagamutan ang asawa ni Gobyang na si Carmen, kapatid ng suspek.

Samantala, isinuko ni Milandro sa pulisya ang kanyang sarili at ang kalibre .45 baril, mga bala, at magasin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …