Wednesday , December 25 2024

60-anyos tulay bumagsak 1 patay, 1 sugatan sa Digos

PATAY ang isang trabahador habang sugatan ang isa pa nang bumagsak ang isang lumang tulay na nakatakda nang gibain dahil sa mga pinsalang dulot ng mga nakaraang lindol sa lungsod ng Digos, lalawigan ng Davao del Sur, dakong 12:00 ng tanghali nitong Sabado, 4 Setyembre.

Nabatid na parehong trabahador ng TSK Builders and Supply, contractor ng proyekto, ang namatay at nasugatan dahil sa pagbagsak ng Ebreo Bridge.

Ayon kay Dean Ortiz, Department of Public Works and Highways (DPWH) – Davao Public Affairs and Information Officer, bumagsak ang Ebreo Bridge, na itinayo noong 1960s, dalawang araw bago ang nakatak­dang paggiba dito ngayong araw, 6 Setyembre, upang masimulan ang konstruk­siyon ng ipapalit dito.

Aniya, sarado ang tulay sa mga sasakyan simula noong Mayo ng kasaluku­yang taon.

Dagdag ni Ortiz, naghuhukay ang contractor sa isang dulo ng lumang tulay bilang paghahanda sa pagtatayo ng bagong tulay nang bumagsak ito.

Kinilala ng Digos City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang namatay na biktimang si Joyco Failma, 30 anyos, ng Upper Panuntungan, lungsod ng Davao, at ang sugatang si Dexter Orapa, 37 anyos, ng Brgy. Santo Rosario, lungsod ng Digos.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *