Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Liza Soberano Enrique Gil
Ogie Diaz Liza Soberano Enrique Gil

Ogie iginiit: ‘di totoong kasal na sina Enrique at Liza

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI totoo ‘yan!” Ito ang giit ni Ogie Diaz ukol sa mga taong ng netizens  kung kasal na nga ba ang mga alaga niyang sina Enrique Gil at Liza Soberano.

Tila naintriga ang netizens sa parehong singsing na suot ng LizQuen na napansin nila sa vlog ng aktres, kaya ayun, gusto nilang makompirma kung sa manager ng mga ito kung may kasalan na nga bang naganap.

Sa vlog ni Ogie sinabi niyang walang katotohanan na nagpakasal ang dalawa. ”Hindi totoo ‘yan.

‘“Yung singsing na ‘yan ay hindi totoo. Parang ano ‘yan photo shoot or nagba-vlog sila, nandoon si Perry. Ipinasuot ni Perry kay Liza ‘yung singsing na props,” paliwanag ni Ogie.

Ang singsing ay ipinasuot lamang ng stylist n Liza samantalang sariling singing naman ni Enrique ang suot-suot nito.

“Naloka ako. Daming nag-tag. Parang ako, ha totoo ba ito? Bakit walang sinasabi sa akin si Liza? Ako ang manager, wala akong alam,” gulat na gulat na paliwanag pa ng manager. “Kaya siyempre dali-dali akong nag-text kay Liza para linawin lahat,” giit pa ni Ogie.

Actually, tinanong naman ni Ogie si Liza ukol sa ibinabatong katanungan ng publiko sa kanya. ”Tinanong ko siya, ‘Anak, ano ba ito?’ So pinasa ko kay Liza ‘yung naka-encircle na singsing (sa pictures). Sabi ni Liza, ‘Parehong kanan po ‘yan. ‘Yung isa ay accessory na suot ko, ‘yun ‘yung galing kay Tito Perry; ‘yung ring po ni Quen, kanya po ‘yon,’” ani Ogie.

“Kaya sabi ko kay Liza, ‘Alam mo naman ako anak puwede mo akong lihiman basta huwag lang ako ‘yung last one to know.’ Ang sabi ni Liza, ‘No problem po, malalaman niyo po kung sakali,’” sambit pa ni Ogie.

Nilinaw pa ni Ogie na marami pang pangarap sina Liza at Enrique kaya malayo pang lumagay ang mga iyon sa tahimik.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …