Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

2 motorsiklo nagkabanggaan sa Biliran
DPWH J.O. PATAY PULIS, 1 PA SUGATAN

BINAWIAN ng buhay ang isang job order na tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos ang banggaan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Naval, lalawigan ng Biliran, nitong Biyernes ng gabi, 27 Agosto.

Ayon kay P/Maj. Michael John Astorga, nakaangkas ang biktimang kinilalang si Cesar Japay, 62 anyos, sa motosiklong minamaneho ng kanyang kasama nang bumangga sa isa pang motorsiklong minamaneho ni Pat. Rey Lopera sa Brgy. Larrazabal, sa naturang bayan dakong 8:50 pm.

Sa isinagawang imbes­ti­gasyon ng lokal na pulisya, lumalabas na nag­sasagawa ng surveillance si Pat. Lopera sa nabanggit na barangay sakay ng kanyang motor­siklo nang biglang lumipat sa kanyang linya ang motorsiklo ng mga biktima na naging sanhi ng bang­gaan.

Dinala sina Pat. Loperia at ang dalawang sakay ng nakabanggaang motorsiklo sa pagamutan.

Samantala, namatay si Japay habang nilalapatan ng lunas sa emergency room ng Biliran Provincial Hospital pasado 9:00 pm.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …