Saturday , November 16 2024
arrest prison

Parak timbog sa Zamboanga (Pamilya ng suspek kinikikilan)

ARESTADO ng mga awtoridad nitong Sabado, 21 Agosto, ang isang pulis na lagpas isang dekada na sa serbisyo, dahil sa hinihinalang pangingikil ng pera mula sa mga pamilya ng mga suspek na sangkot sa mga kasong hawak niya, sa lungsod ng Zamboanga.

Kinilala ni P/BGen. Fynn Dongbo, direktor ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), ang suspek na si P/Cpl. Alexis Castillo Garcia, sumanib sa PNP noong taong 20210, residente ng Brgy. Putik at nagsilbi bilang imbestigador ng Zamboanga Police Station 11.

Nadakip si Garcia sa Mayor Climaco Avenue sa ikinasang operasyon na magkatuwang na ikinasa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Zamboanga police.

Ayon kay Dongbo, marami nang nagrereklamo laban kay Garcia mula sa pamilya ng mga suspek na pinangangakuan niyang madi-dismiss ang mga kaso laban sa kanila at hindi maililipat sa Zamboanga City Jail kapalit ng pera.

Ikinasa ang joint operation matapos magtungo sa tang­gapan ni Dongbo ang kapatid ng isa sa mga suspek na nauna nang nadakip dahil sa drug offense, kung saan hiningian umano ni Garcia ng P120,000 ang pamilya upang hindi mailipat sa Zamboanga City Jail.

Narekober ng mga awtoridad mula kay Garcia ang isang bungkos ng boodle money, cellphone, isang Glock 17 pistol, mga magasin at mga bala, Philippine National Police (PNP) service ID, at firearm license card.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *