Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

2 patay, 5 sugatan sa ‘rido’ sa Cotabato

NAPASLANG ang dalawa katao habang sugatan ang limang iba pa nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek ang isang pamilya sa bayan ng Pikit, lalawigan ng Cotabato, nitong Biyernes ng gabi, 20 Agosto.

Ayon kay P/Capt. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit municipal police, nanonood ng telebisyon ang mga biktima sa kanilang bahay sa Brgy.  Inug-og dakong 9:00 pm noong Biyernes nang biglang pasukin ng tatlong armadong lalaki at malapitang pinagbabaril na naging sanhi ng agarang kamatayan ng dalawa sa kanila.

Kinilala ni Panandigan ang mga namatay na biktimang sina Nursiky Guiamalon, 32 anyos, at kanyang nakababatang kapatid na si Jamil, 30 anyos, kapwa tinamaan ng mga bala ng baril sa kanilang mga ulo at katawan.

Samantala, sugatan ang limang iba pang miyembro ng pamilya Guiamalon dahil sa pamamaril.

Kasalukuyang ginagamot sa lokal na pagamutan ang limang nasugatang kinilalang sina sina Raul, 50 anyos; Yussef, 20 anyos; at mga batang may edad 10, pito, at tatlong taon.

Narekober ng mga imbestigador ang 20 basyo ng bala ng caliber 5.56 assault rifle mula sa pinangyarihan ng krimen.

Tinitingnan ng mga awtoridad ang anggulong “rido” o away ng mga angkan, bilang motibo sa pamamaril.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …