Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

2 motorsiklo nagkabanggaan
BUNTIS PATAY, 3 IBA PA SUGATAN

PATAY ang isang buntis na babae habang sugatan ang tatlong iba pa kabilang ang kanyang live-in partner matapos madisgrasya ang sinasakyan nilang motor­siklo sa Brgy. Guinhalaran, lungsod ng Silay, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Biyernes, 6 Agosto.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Aizel Legaspi, 21 anyos, residente sa naturang barangay, samantala sugatan ang kanyang kinakasamang si Mark Olvido, 23 anyos, John Carl Saldo, 21 anyos, at kasama niyang si Trujuillo, 20 anyos, kapwa mga residente sa Brgy. 5, sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay P/Cpl. Julen Jay Apitong, traffic investigator ng Silay City Police Station, pauwi na ng kanilang bahay ang mag-asawa sakay ng kanilang motorsiklo nang bigla itong nailiko pakaliwa na saktong bumangga sa isang motorsiklong mabilis ang takbo, na sa lakas ng impact ay tumilapon silang apat.

Ani Apitong, binawian ng buhay si Legaspi habang ginagamot sa ospital dahil sa pinsala sa kanyang ulo, habang nananatili sa pagamutan ang tatlong sugatan.

Lumalabas sa imbes­tigasyon, walang suot na helment ang mag-asawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …