Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Montes Coco Martin
Julia Montes Coco Martin

Julia todo handa sa Ang Probinsyano:
Pag-amin sa relasyon isusunod na

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY nakita kaming video na nakasakay si Julia Montes  sa isang magandang motorsiklo at sinasabing iyon ay paghahanda niya sa kanyang pagpasok sa Ang Probinsyano, ang long time action series na makakatambal niya ang matagal nang natsitsismis na boyfriend niyang si Coco Martin. May mga pictue din na makikita mo si Julia na nagsasanay sa paghawak ng baril.

Ang sinasabi nga nila, kung ganoon siya kaseryoso sa paghahanda sa pagtatambal lamang nila ni Coco sa isang serye, may paghahanda na rin ba para sa pag-amin nila sa kanilang relasyon?

Matagal na iyang usapan sa relasyon ng dalawang iyan. May panahon pa ngang napakatindi ng tsismis at hindi nagkaroon ng pagkakataon si Julia na magsalita tungkol doon dahil nasa abroad siya.

Si Coco man ay tumanggi ring magsalita tungkol sa controversy at siyempre noong panahong iyon, dahil totoo namang siya ay isa sa pinaka-malaki nilang star, protektado si Coco ng ABS-CBN. Kahit na nga controversial dahil walang nagsasalita, namatay ang issue.

Nagkataon naman iyon na may gumawa rin ng tsismis tungkol kay Liza Soberano at dahil hindi naman talaga totoo, nagbanta siyang magsasampa ng demanda.

Natakot ang mga tsismosa at natigil pati ang tsismis nila kay Julia.

Matagal nang nakabalik sa Pilipinas si Julia, pero hindi siya nagbalik showbiz. Siguro nga ay may iba pa siyang inasikaso at ngayon nga lang nagdesisyong bumalik. Bida agad siya sa isang pelikula, at ngayon bida pa rin sa isang serye na siyempre ang katambal niya sa dalawang projects ay si Coco.

May nagsasabi tuloy na baka naghintay talaga ng pagkakataon si Julia para sa pagbabalik niya ay si Coco lamang ang makakasama niya sa mga project na kanyang gagawin. Magkaibigan naman silang matalik kaya mapapalagay ang loob niya sa trabaho kahit na matagal siyang nawala sa showbusiness.

Dahil sa mga pangyayaring iyan, marami sa fans ang nagsasabi na sana nga totoo na lang ang tsismis. Sana nga silang dalawa na lang ang magkatuluyan.

Nasa tamang edad na rin naman sina Coco at Julia para magkaroon ang pamilya. Kung talagang sila na nga, bakit hindi pa tuluyan?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …