Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilya ni Ping masayang nag-bonding

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TIPIKAL na Filipino family ang Lacson family na nagsasama-sama tuwing Linggo. Kaya naman nakatutuwang makita na ine-enjoy din nila ang pagba-bonding kahit abala sila sa kanila-kanilang buhay.

Last Sunday, ibinahagi ni Pampi sa kanyang Instagram account ang kanilang family bonding na magkakasama silang magkakapatid gayundin ang kanilang ina at si Sen. Ping Lacson.

Present sa Sunday bonding ang panganay ni Sen. Ping na si ReginaldRonald (chief of staff ni Ping sa senado), Panfilo Jr. (asawa ni Iwa Moto), at Jeric (bunso).

Ani Ping, ibang saya ang dulot kapag kompleto at nagkakasama-sama silang pamilya.

Pinusuan ng netizens ang family bonding na iyon ng Lacson family.

Tiyak na kung walang pandemic, makikita rin ang mga anak ni Sen. Ping na sama-samang ‘inilalako’ ang kanilang ama sa taumbayan na tatakbong Pangulo sa 2022 ka-tandem si Sen. Tito Sotto.

Tulad ni Vic Sotto, nauna nang nagpahayag ito ng suporta kay Tito Sen sa mga susunod na plano nito bilang public servant. At nakatitiyak kaming 100 percent din ang suportang ibibigay ng mga anak ni Sen. Ping sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …