Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun QC

Mag-asawa itinumba ng tandem sa Kyusi

PINAGBABARIL hanggang mapatay ang mag-asawa habang sakay ng motorsiklo ng riding-in-tandem na dumikit sa kanila sa Quezon City, nitong Lunes ng gabi.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Leo Dotado Gupit, 29, may asawa, sari-sari store owner, at ang misis niyang si Lyn Alcos-Gupit, 28, housewife, kapwa residente sa Aguinaldo Street, Pasong Tamo, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD),  bandang 8:00 pm nitong 2 Agosto,nang maganap ang insidente sa kanto ng Aguinaldo at Magsaysay streets sa Barangay Pasong Tamo, sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Mark Darwin Contado, isang alyas Lester ang nasa loob ng kanilang bahay nang makarinig ng magkakasunod na putok ng baril sa labas.

Pagsilip umano ni Lester ay nakita niya ang isang babae at lalaki na kapwa duguang nakabulagta sa tabi ng kanilang improvised motorcycle (kolong-kolong) habang papatakas ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo patungo sa direksiyon ng Gukbet Street.

Agad ipinagbigay-alam sa mga opisyal ng  Barangay Pasong Tamo ang naganap na krimen saka inireport sa mga awtoridad.

Ayon sa SOCO na pinamumunuan ni P/Lt. Reynold Tabbada, si Leo Gupit  ay tinamaan ng bala sa dibdib at braso habang ang misis nito ay tinamaan sa dibdib at kaliwang tainga.

Masusi nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa naganap na pamamaril. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …