Wednesday , December 25 2024

Actions speak louder than words: Maagang ikot ni Mayor Sara ‘campaign trail’ sa 2022 polls

WALANG ibang dahilan ang ginagawang pag-iikot ni Davao City Mayor Sara Duterte, maliban sa pangangampanya, ayon sa grupong ACT Teachers.
 
Ayon kay ACT Teacher Partylist Rep. France Castro sa mga nakaraang araw ay patuloy na nakikipag-usap si Mayor Sara sa mga political leaders, malinaw na bahagi ito ng kanyang pangangampanya.
 
“‘Yung memorandum of agreement as sister city with Zamboaga City, bakit ngayon lang? Timing ba ‘yan para kunin ang suporta ng Zamboanga sa kandidatura n’ya? ‘Yung postura ni Mayor Sara ay pangangampanya na,” pahayag ni Castro.
 
Hindi rin umano kapani-paniwala ang pahayag nina Zamboaga City Mayor Beng Climaco at Cebu City Governor Gwen Garcia na hindi napag-uusapan ang politika sa pagbisita sa kanila ni Mayor Sara.
 
“Actions speak louder than words,” patutsada pa ni Castro.
 
Sinabi ni Castro, may punto ang pasaring na ginawa ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kay Mayor Sara nang sabihin niyang dapat ay nasa lungsod nila ang mga alkalde para maging maagap sa pagtugon laban sa paglobo ng CoVid cases imbes nag-iikot sa partido at mga politiko, gayong malayo pa ang eleksiyon.
 
“Tama si Mayor Isko, dapat pokus at harapin muna ni Mayor Sara ang problema sa pandemya sa Davao City,” giit ni Castro.
 
Sa loob ng ilang araw, naging abala si Mayor Sara sa pagbisita sa Cebu at Zambaoanga at nakipagpulong din kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng partidong Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas CMD).
 
Sa pinakahuling OCTA Research List, may petsang 12 Hulyo, nangunguna pa rin ang Davao City sa mga local government units (LGU) sa labas ng National Capital Region (NCR) na may pinakamataas na CoVid cases.
 
Lumitaw na 235 kaso ang naitatala kada araw sa Davao City habang umabot na sa 91% ang hospital intensive care unit utilization rate.
 
Kompara sa Davao, pababa na ang kaso sa ilang lalawigan, batay sa talaan ng Department of Health (DOH) at OCTA Research — nasa 110 ang kaso sa Iloilo, Bacolod (84), Cebu City (81), Cagayan de Oro (68), General Santos (67), Baguio City (58), Tagum (44), Lapu-Lapu (39), at NCR (639).
 
Simula buwan ng Mayo, lomobo ang CoVis cases sa Davao at noong 17 Hunyo naitala ang pinakamalaking CoVid infection na nasa 482 sa loob ng isang araw, naungusan pa ang Quezon City na mas malaki ang populasyon. (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *