Wednesday , December 25 2024

Pamilya Duterte ‘kapit-tuko’ sa ‘trono’ (Konstitusyon kayang sagasaan)

 
IPINAGPAPALAGAY ng grupong Bayan Muna na nagtatatag hindi lang ng political dynasty kundi mala-‘monarkiyang’ pamumuno ang pamilya Duterte na makikita umano sa ‘nilulutong tandem’ ng mag-amang – Sara-Digong o Duterte-Duterte para sa 2022 national elections.
 
Kinastigo ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite ang pagpapalusot at pagpapaikot sa batas na ginagawa ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte nang sabihin ng tagapagsalita nitong si Anthony del Rosario na hindi maituturing na political dynasty kahit tumakbo at mahalal na pangulo at pangalawang pangulo ang mag-amang Duterte sa May 2022 elections.
 
“Del Rosario is interpreting the term political dynasty as something detached from the Constitution to justify their utter disregard for that important provision. Sinusubukan ni Del Rosario na palusutan ang konsepto ng pagbabawal sa dinastiya sa pagsasabi na may eleksiyon naman at may kalayaan naman ang mamamayan na pumili. Itong ginagawa ng pamilyang Duterte na pangungunyapit sa poder sa pamamagitan ng paghawak sa dalawang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ay pagtatangka na magpataw ng isang pampolitikang dinastiya. Higit pa nga yata sa dinastiya ang gusto nila, it looks as if they are trying to establish a monarchy, passing on and expanding their power by bastardizing our elections,” paliwanag ni Gaite.
 
Ani Gaite, malinaw sa batas ang pagbabawal sa isang Pangulo na maghangad ng top executive position matapos ang kanyang termino at ikalawa ay pagbabawal sa political dynasties.
 
“The Duterte family would be brazenly violating several provisions of the Philippine Constitution if they push for this Duterte-Duterte tandem. Obviously, this family is willing to throw away our Constitution in the trash just to remain in power. Is this the kind of leadership that we want? Pamumunong walang respeto sa Saligang Batas, pamumunong ganid sa kapangyarihan?” diin ni Gaite.
 
Una nang sinabi ni Atty. Howard Calleja, convenor ng 1Sambayanan na ire-reject ng mga Filipino ang Duterte-Duterte tandem sa 2022 presidential elections dahil malinaw na ito ay pag-insulto sa mga Filipino.
 
“We feel that this is an insult to the Filipino people; and we feel that whatever happens, we trust the Filipino people will see this as a selfish move – nothing to the benefit of the people, but only to perpetuate power to one family,” nauna nang paliwanag ni Calleja.
 
Ang mga Duterte ay nasa kapangyarihan sa Davao mula pa noong dekada 80s, si Pangulong Duterte ay naging alkalde sa loob ng 22 taon bago ipinasa ang puwesto sa kanyang anak at ganitong estratehiya din ang nais gawin sa pagbaba sa puwesto sa 2022.
 
“Sa totoo lang, matagal na nilang nilalabag ‘yang prohibisyon sa dinastiya sa lokal na antas,” ani Gaite.
 
Unang minaliit ni 1Sambayan Convenor Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang lumabas na Pulse Asia Survey na nagpapakitang nangunguna sa Presidential at Vice Presidential race ang mag-amang Duterte, paliwanag ni Carpio, kung babalikan ang dating mga resulta ng maagang survey ay hindi nanalo ang survey frontrunners, ang tunay na survey umano ay maaaring makita sa Marso, o ilang buwan bago ang May 2022 elections. (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *