Sunday , January 12 2025
arrest posas

Chinese meds kontra CoVid-19 ilegal na ibinebenta lalaki tiklo sa Cebu

NASAKOTE ang isang 25-anyos lalaking hinihinalang hindi awtorisadong mag­ben­ta ng mga gamot mula sa China na pinanini­walaang gamot sa CoVis-19 sa lungsod ng Cebu, nitong Biyernes, 25 Hunyo.

Kinilala ang suspek na si Matthew Louis Christopher Ngo Po, sa isang buy bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng Regional Special Operations Group (RSOG) nitong Biyernes ng hapon, sa Brgy. Apas, sa nabanggit na lungsod.

Narekober mula kay Po ang kahon-kahong Lianhua Qingwen Jiaonang na tinatayang nagkakahalaga ng P200,000.

Bagaman aproado ng Food and Drug Administration (FDA), maaari lamang makabili ng gamot mula sa China kung may reseta ng doktor.

Bukod sa mga nasasam na gamot, kompiskado rin mula sa suspek ang mga Lungene rapid test kit.

Ayon kay P/Maj. Glenn Hife, hepe ng RSOG 7 (Central Visayas), sinimulan nilang manma­nan si Po nang may magbigay sa kanila ng tip na ibinebenta niya ang mga gamot online.

Ani Hife, nakipagtran­saksiyon sila kay Po at umorder ng P200,000 halalaga ng gamot mula sa kanya.

Ipinakuha ng suspek sa poseur-buyer ang mga gamot sa kanyang bahay kung saan siya inaresto kalaunan.

About hataw tabloid

Check Also

Garahe nasunog BUS NATUPOK MEKANIKO SUGATAN

Garahe nasunog
7 BUS NATUPOK MEKANIKO SUGATAN

HATAW News Team PITONG BUS ang natupok habang sugatan ang isang mekaniko nang sumiklab ang …

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *