Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
fire sunog bombero

Kubo ng ina sinunog ng mister ‘live’ sa social media (Misis hindi nagpadede sa anak)

HABANG naka-‘live’ sa kanyang Facebook account, sinunog ng isang 18-anyos lalaking lango sa alak, ang bahay ng kanyang ina, matapos magalit sa kanyang kinakasama nang ayaw padedehin ang kanilang tatlong-buwang gulang na anak nitong Biyernes, 26 Hunyo, sa Brgy. Abognan, sa bayan ng Taytay, lalawigan ng Palawan.

Ayon kay Fire Officer 3 Ericson Fernandez ng Taytay Municipal Fire Station, nakipagtalo ang suspek na kinilalang si Raymond Estrosas sa kanyang kinakasama, isang gabi bago ang insidente.

Napuno umano ang babae at nagpasundo sa kanyang ama na iniuwi siya noong Biyernes upang makaiwas sa galit ni Estrosas.

“Pero bago ‘yan, may maliliit na away pa before. Kaninang umaga, sinundo na ng tatay ang babae at iniuwi na sa bahay nila,” ani Fernandez.

Dahil sa sama ng loob at pagkadesmaya, nag­lasing ang suspek at unang sinunog ang bahay ng kanyang sariling ina, kung saan sila nanunu­luyan ng kanyang kinaka­sama dakong 9:00 am noong Biyernes.

Inawat siya ng kanyang tiyahin kaya napigilan ang tuluyang pagkatupok sa apoy ng bahay at ilang kagamitan ang nasira.

Ngunit tatlong oras makalipas ang unang insidente, tuluyan nang sinunog ng lasing na si Estrosas ang kanilang bahay na kinunan niya ng video.

Wala nang nakapigil kay Estrosas dahil bina­ban­taan niya ang sinu­mang lalapit sa kaniya.

Dinakip si Estrosas habang hinihintay ang desisyon ng pamilya kung sasampahan siya ng kasong arson na may parusang habam­buhay na pagkaka­bilanggo.

“Mataas pa kasi ang emosyon ng nanay sa ngayon, mag-uusap pa silang pamilya, dahil ang arson kasi ay habang buhay na pagkabilanggo ‘yan. So maghihintay lang kami,” dagdag ni Fernandez.

Tinatayang aabot sa P35,000 hanggang P40,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian dahil sa pagsusunog ng suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …