Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

80-anyos biyudo nagpatiwakal sa loob ng bahay (Sa araw ng mga tatay)

PATAY at may tama ng bala ng baril sa kanyang leeg nang matagpuan ang isang 80-anyos biyudo na hinihinalang kinitil ang sariling buhay sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Mungo, bayan ng Tuao, lalawigan ng Cagayan, nitong Linggo, 20 Hunyo, mismong Araw ng mga Ama.

Kinilala ni P/SSgt. Wilson Pascua, imbestigador sa kaso, ang biktimang si Trinidad Serrano, 80 anyos, isang biyudo.

Natagpuan umano ng anak ni Serrano na si Marwin ang wala nang buhay na katawan ng ama katabi ang isang baril.

Iniulat ng pamilya ng biyudo sa pulisya na noong Sabado ng gabi, 19 Hunyo, sinabi ni Serrano na pagod na siyang mabuhay dahil sa kanyang karamdaman, at ayaw umano niyang suutin ang kanyang oxygen mask.

Dakong 5:00 am nang sumunod na araw, inakala umano ni Marwin na gising na ang ama dahil bukas na ang mga bintana at mga pinto ng kanilang bahay na araw-araw niyang ginagawa.

Hindi kalaunan ay nakarinig si Marwin ng putok ng baril mula sa silid ng kanyang ama at nakita na lamang niyang nakahandusay si Serrano at may tama ng bala sa leeg katabi ang isang baril.

Narekober ng pulisya ang isang pinaputok na cartridge case ng kalibre .45 at isang depormadong slug.

Ani Pascua, kOmbinsido ang pamilya ng biktima na nagpatiwakal ang biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …