Wednesday , December 25 2024

No mask Christmas, target ng Palasyo

KOMPIYANSA ang Palasyo na mararanasan ng sambayanang Fiipino ang “no mask Christmas” bunsod ng pagsusumikap ng pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng CoVid-19 sa bansa.

Kinatigan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang paghimok sa pamahalaan at publiko ni Father Nicanor Austriaco, isang Dominican priest, at tanyag na microbiologist expert, upang magtulungan para maranasan sa Filipinas ang “no mask Christmas.”

Si Austriaco ay University of Santo Tomas biological sciences professor, OCTA Research fellow, nagtapos na summa cum laude sa BioEngineering sa University of Pennsylvania, may doctorate degree sa Biology sa Massachusetts Institute of Technology, professor sa Biology sa Providence College sa Rhode Island, USA, may laboratory na pinopondohan ng National Institute of Health.

Ani Austriaco, kailangan ng Filipinas ng 33 milyong doses ng CoVid-19 vaccine upang masugpo ang virus at 52 milyon doses para makamit ang herd immunity.

Paliwanag niya, “sa Metro Manila laging nagsisimula ang pagtaas ng kaso ng CoVid-19 kaya’t kapag nagkaroon ng herd immunity sa National Capital Region (NCR) plus eight na sakop ang Metro Manila, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, Rizal, Metro Cebu at Metro Davao, magkakaroon ng proteksiyon ang buong bansa.

“So how long will it take? We calculated: If 250,000 (vaccine doses administered) per day, we will get to containment in October and herd immunity in November. And this is a realistic and attainable goal for all of us. So we have to imagine as a country a no-mask Christmas,” ani Austriaco sa Malacañang virtual press briefing kahapon.

“Can we have a no-mask Christmas? What would it look like? It would look like what it was before… When that happens, we can begin to lift social distancing and masking arrangements… This is something that we can imagine. Let us all do this together, where we achieve herd immunity – the NCR plus eight by Christmas and the rest of the country, by sometime next year,” dagdag niya.

Ang pagsugpo aniya sa CoVid-19 ay magbibigay proteksiyon sa Filipinas laban sa mga susunod na pagkalat ng virus at magbibigay daan sa pagbubukas ng ekonomiya at pagkikita ng mga vaccinated persons nang walang mask.

Kahit may maganap na oubreak sa panahon ng pagsupo sa CoVid-19, mahihirapan ang virus na kumalat nang husto sa populasyon.

Upang makamit ito, kailangan ang 33.5 milyon bakuna para sa 16.65 milyong katao na bumubuo ng 45% populasyon ng NCR plus eight.

Habang sa herd immunity, mabibigyan ng proteksiyon mula sa virus ang mga taong hindi pa bakunado, magugutom ang virus at maaaring bumalik ang pamumuhay sa old normal.

Sa herd immunity, kailangan ang 51.8 milyon doses para sa  25.9 milyon katao o 70% populasyon ng NCR plus eight.

Giit ni Austriaco, kapag nasugpo o mangyari ang containment ng virus, magkakaroon ng “maskless Christmas” sa bansa.

“We have the capacity as long as we have the supply,” ani Austriaco.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *