Wednesday , December 25 2024
CoVid-19 vaccine taguig

Taguig kukulangin sa Covid-19 vaccines (Sa mataas na demand at mabilis na aksiyon)

MALAPIT nang mau­bos ang supply ng bakuna sa Taguig City dahil sa pagdagsa ng bilang ng mga nagpa­pabakuna sa lungsod.

Sa rami ng nag­papabakuna sa lungsod at sa mabilis na aksiyon ng lokal na pamahalaan sa rollout ng bakuna, halos mauubos at tiyak na kukulangin ang supply sa Taguig.

Nais talakayin ng lungsod sa national government ang supply ng mga bakuna upang mas maraming tao ang makinabang gaya ng mga priority A1 o frontliners, A2 o senior citizens, A3 o ang mga may comorbidity, at bagong kategoryang A4 o ‘yung essential workers o manggagawa sa lungsod.

Ang mataas na demand ay dulot ng madali at mabilis na proseso sa pagrerehistro at pagkuha ng appoint­ment upang makapag­bakuna.

Sa rami ng nag­papabakuna, at halos wala o mababang numero ng mga tumatanggi, inaasahan ng lokal na pamahalaan ng Taguig na makamit ang target na mabakunahan ang lahat ng residente sa darating na Disyembre, kaugnay ito ng programang “road to zero.”

Nitong nakaraang tatlong araw, nakapag­tala ang lungsod ng 8,000, 10,000 at 11,000 indibdiwal na dumagsa at nabakunahan sa mga vaccination hub na nakapuwesto sa iba’t ibang barangay sa lungsod, kasama rito ang vaccination bus na pumupunta ang iba’t ibang lugar sa siyudad upang mabigyan ng bakuna ang mas mara­ming mamamayan.

Halos zero ang dropout rate sa mga vaccination booking at schedule ang Taguig. Plano sa lungsod na itaas mula sa target na 6,800 katao kada araw at gawing 8,000 katao araw-araw ang mabakunahan.

Sa pagbubukas ng A4 category, dumarami ang indibidwal na gustong mabakunahan. Sa mga lugar na may pila, humihingi ang lungsod ng paumanhin dahil may mga residen­te na hindi iniinda ang pumila, upang sila’y mabakunahan.

Ginagawan na rin ng paraan ng lokal na pamahalaan na maba­wasan ang haba ng pila sa ibang vaccination hubs sa lungsod.

Patuloy ang pagbabakuna sa mga mall sa Taguig kung saan mas komportable, ligtas, at organisado ang mga tao.

Kinilala ng Taguig ang health workers at mga doktor na nagse­serbisyo sa mamama­yan upang labanan ang CoVid-19.

Sa kasalukuyan, nakapagbigay na ng bakuna ang lungsod sa 143,512 Taguigeños na kabilang sa kategoryang  A1, A2, A3, at A4.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *