Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Motalban Rodriguez Rizal

Modern jeepneys tigil pasada sa Montalban

MONTALBAN, Rizal – Walang ‘dating’ sa Rodriguez local government ang abiso ng Land Transportation and Franchise Regulatory Board (LTFRB) na nagpahintulot sa mga operator ng modern jeepney sa nasabing lokali­dad para sila ay pumasada.

Ngunit inisyuhan ng tiket at ipana-impound ng Montalban Traffic Management Development Office (MTMDO) ang hindi bababa sa 20 pampasa­herong unit ng mga modernong jeppney na kasapi ng Commonwealth Transport Service Cooperative dahil sa paggamit ng temporary authority to operate na inilabas ng LTFRB habang ipinoproseso ang kanilang validity extension.

Bunsod nito, nagtigil-pasada ang may 20 tsuper ng naturang kooperatiba.

Sa isang pahayag, sinabi ni CTSC general manager Dhelta Bernardo, hindi sila nagkulang sa pagtupad ng mga alituntuning ibinababa ng LTFRB at ng Montalban LGU.

Aniya, nakapag­sumite sila ng application for extension of validity na may resibo mula mismo sa nasabing ahensiyang nangangasiwa sa prankisa at operasyon ng mga pampasaherong sasakyan.

Gayonman, hindi aniya tinanggap ni Montalban Management Development Office (MMDO) chief Charlie Boy Labez ang temporary authority to operate mula sa LTFRB.

Giit ni Labez, colorum ang kanilang kooperatiba na may rutang Montalban-Litex.

Nanawagan ang mga tsuper at operator ng nasabing modern jeeps sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na panghima­sukan ang nasabing usapin lalo pa’t direktang pagsalungat ang ginawa ng Montalban LGU sa programang moder­nisasyon ng adminis­tra­syong Duterte.

Suspetsa ng mga tsuper, isang malinaw na panggigipit na maaaring paramdam ng pangingi­kil ang ginagawa sa kanilang hanay ng nasabing LGU na una nang nagpasara sa kanilang terminal sa Barangay San Isidro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …