Saturday , November 23 2024

DOTr automation project sagot sa katiwalian

NANINDIGAN ang Department of Transportation (DOTr) na mababawasan ang katiwalian sa kanilang service automation project.

Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade, isa sa pinakamata­gumpay na proyekto ng ahensiya ang Drivers License Acquisition and Renewal Program.

Sa programa, natanggal ang pagpasok ng mga middleman at mas naging maayos at nabawasan ang ‘corrupt process’ sa pagkuha ng a driver’s license.

Sinabi ni Tugade, kung mas kaunti ang human contact sa pagitan ng tao sa at kanilang mga kliyente, mas magiging maayos ang proseso.

Sa ngayon, ipinagmalaki ng kalihim na maaari nang mai-renew ang lisensiya sa loob ng isa’t kalahating oras.

Ito rin aniya ang target ng gobyerno sa pagka­karoon ng Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) na mas makatitipid din ang mga magrerehistro ng sasak­yan.

Sa paggamit ng PMVIC, nasa P400 ang babayaran ng motorista sa vehicle inspection at emission testing habang ang insurance policy ay nagkakahalaga ng P650.

Direktang isusumite sa LTO system ang PMVIC inspection nang walang dinaraanang ibang tao.

Sa pahayag ng isang motorista na si Mang Rey, mas malaki ang kanyang gastos kung didirekta sa LTO para sa renewal ng rehistro.

Kung sa Private Emission Testing Center (PETC), aabot ang carbon emission testing at motor vehicle insurance policy ng P1,100.

Habang sa proseso sa LTO, inabot ito ng P2,151 kasama ang P500 na sinasabing ibinigay sa LTO officer na nagsagawa ng manual visual inspection.

(JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *